Chapter 1

2.6K 97 1
                                    

GUARDIAN ANGEL

Agad na pinalis ni Evelyn Sacariaz ang mga luha na tumulo sa kanyang mga pisngi habang nakatanaw sa kawalan mula sa kinatatayuan niya,sa dulo ng bangin. Ang bangin na may magagandang alaala nila ng kanyang mga magulang. Doon sila palagi nagpipiknik tuwing weekend hanggang sa hindi na naulit iyun mula ng bawian ng buhay ang kanyang ina dahil sa cancer. Mula noon nagsimula na naging malayo ang kalooban niya sa kanyang ama. Mas lalo lumayo ang loob niya rito ng mag-asawa muli ito. Ngayon lamang siya bumalik sa lugar na iyun pagkatapos ng limang taon mula ng umalis siya ng ibahay ng ama ang bago nitong asawa kasama ang anak ng napangasawa ng kanyang ama. Nagbalik siya dahil sa biglaan pagpanaw ng kanyang ama. Inatake ito sa puso ang sakit na inilihim nito sa lahat. Naikuyom niya ang mga palad at muli nag-init ang sulok ng mga mata niya ng matanto na tuluyan na nga siyang iniwan ng kanyang mga magulang.

"Isa ka sa dahilan kung bakit naging malala ang sakit ni Tito Leo," pukaw sa kanya ng boses na yun.

Agad na umurong ang nagbabantang pagtulo ng mga luha niya ng marinig ang boses na yun. Ang step-sister niya na si Bianca.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit sayo pa rin ipinamana ni Tito Leo ang lugar na ito at sayo ang may mas pinakamalaking shares sa kompanya niya!" nanggagalaiti nitong sabi na kinalingon niya rito.

Kitang-kita sa mukha nito ang galit at pagkadismaya.

Walang emosyon na matapang na sinalubong niya ang galit nitong mga mata.

"Nararapat lang sa legal na anak,Bianca,"tugon niya na lalong kinagalit nito sa kanya.

" Hindi! Mula ng iwan mo si Tito Leo at umalis ka wala akong ginawa kundi maging mabuting anak sa kanya kahit hindi kami magkadugo! Itinuring ko siyang tunay na ama pagkatapo ito ang igaganti niya sakin? Sa amin ni Mama?! Wala siyang utang na loob!"nagpupuyos sa galit na sigaw nito sa kanya.

Agad na umakyat ang dugo sa ulo niya sa sinabi nito tungkol sa kanyang ama.

"Bakit hindi na lang kayo makuntento kung ano ang binigay niya sa inyo? Kung talagang bukal sa kalooban mo ang pagtrato mo sa akin ama hindi ka maggagalaiti ng ganyan," tugon niya rito. Pilit na kinokontrol ang sarili na huwag tuluyan na sumabog sa galit.

Nanlisik ang mga mata nito sa sinabi niya. Sa kabiglaan,hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Hinablot nito ang braso niya at ang kanyang buhok. Nagpumiglas siya para makawala rito.

"Hindi ako papayag na kakarampot lang ang mapunta samin! Kaya lang naman pinatulan ni mama ang papa mo dahiL mayaman siya!" sabi ito at mahigpit pa rin hawak-hawak siya.

"Bitawan mo ko! Ano ba?!" piglas niya rito. Hindi siya pinalaki ng kanyang magulang na manakit ng kapwa.

"Dapat sayo mamatay na rin para sakin mapunta ang lahat ng mana mo!"

Doon na naputol ang pagtitimpi niya. Hinablot niya ang braso nito at tinulak niya ito pero masyado itong agresibo sa pananakit sa kanya. Ginantihan siya nito ng pagtulak at napaatras siya pero agad din niya nahablot ang braso nito.

Malakas na tili mula sa mga labi nila ng pareho silang nahulog sa dulo ng bangin.

"Mommy!!!!" malakas na sigaw ni Bianca na takot na takot na nakakapit sa isang ugat ng puno.

"Mommy!!! Help me!!!!"

Pilit na kinakalma niya ang sarili kahit na natatakot na rin siya sa kinalalagyan nila. Mahigpit din siya nakakapit sa malaking ugat pero hindi sapat iyun para makampante na hindi sila pareho mahulog sa ibaba ng hangin .

Naipikit niya ang mga mata ng tumingin siya sa ibaba. Napakataas niyun siguradong mamamatay sila kapag nahulog sila roon!

"Mommy!!! Tulungan niyo po ako,mommy!!!" umiiyak ng sigaw ni Bianca. Takot na takot ito habang pilit na kumakapit ng mahigpit sa ugat.

Bago pa man niya pakalmahin ito dumungaw sa kanila ang mommy ni Bianca.

"Bianca!!! Evelyn!!!" gulantang na bulalas ng ginang ng makita sila na nasa ganun kalagayan.

Mabilis na inabot nito ang kamay ng anak. Nagdadasal siya na sana maiangat ito ng maayos.

"M-mommy! N-natatakot ako!!" umiiyak na bulalas ni Bianca.

"Don't be scared,nandito na si Mommy,okay? Hawak ka sakin ng mabuti," pag-aalo ng ginang sa anak.

Nanginginig sa takot si Bianca habang tinutulungan nito ang sarili na makaakyat ng tuluyan hanggang sa makatuntong ito sa itaas.

"Mommy!!" paghagulhol nito sa ina na mahigpit na yumakap rito.

"Tahan na ligtas ka na.." pag-aaalo ng ginang rito.

Napasinghap siya ng maramdaman ang unti-unting pagputol ng kinakapitan ugat.

"T-tita Sandra.." pagkuha niya sa atensyon ng madrasta. Agad naman ito napabaling sa kanya.

Nangangawit na siya at nagsisimula na siyang matakot dahil sa unti-unting pagputol ng kinakapitan.

Agad na binitawan nito ang anak para abutin siya ng ginang pero agad na hinila ni Bianca ang ina.

"Kasalanan niya kung bakit muntik na ko mamatay! Dapat lang sa kanya yan!"puno ng galit nitong singhal sa kanya.

"Hindi! Kailangan natin siya iligtas!" kontra ng ina nito.

Pero bago pa man muli siya abutin ng madrasta niya agad na hinila ni Bianca ang ina.

"Bianca! Ano ba?! Baka mahulog na siya!"

"Ako ang anak mo! Hindi mo naman siya anak!"

Naipikit niya ang mga mata kasabay ng pagtulo ng mga luha niya ng tuluyan ng bumigay ang kinakapitan niya.

"Hindi! Evelyn!!!" sigaw ng madrasta niya.

Habang nahuhulog tanggap na niya ang kanyang kamatayan. Isang singhap ng huling hininga ang kumawala  sa mga labi niya ng tuluyan na siyang saluhin ni kamatayan.

Bago pa man siya lamunin ng kadiliman isang liwanag ang unti-unting bumalot sa kanya.

Napangiti siya. Sa langit ba siya mapupunta?

Mula sa liwanag may isang mukha ng lalaki na may mahabang buhok na umabot hanggang sa balikat nito ang nabuo.

Siya ba ang susundo sakin?

Isang napakagwapong guardian Angel niya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum