Chapter 25

1.5K 59 1
                                    

JEALOUS

Agad na natigilan si Alazis ng makita pagkalabas ng kwarto na ginagamit nito na may bitbit na maleta.

Agad na nginitian siya nito bago nito binaba ang maleta sa gilid nito.

"Ahm,babalik na ko sa condo unit ko sa Maynila. Saka baka nakakaabala na ko sayo," magaan nitong sabi.

Agad na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito at hindi niya kung bakit?!

Ayaw mo lang aminin sa sarili mo,bituin!

"Ihahatid na kita," seryoso niyang sabi.

Natawa ito. "Sa bigbike mo?"

Napabuga siya ng hangin.

"Salamat,Alazis pero may kaibigan kasi ko na susundo sakin," anito.

Sabay sila napukaw ng may bumusina mula sa labas.

"Uh,siya na yan,yung susundo sakin," anang ni Evelyn.

"Magkita na lang tayo..uhm,kung gusto mo pa ko makita," maingat nitong sabi ng huminto sa tapat ng pintuan.

Nanatiling walang emosyon ang anyo niya.

"Sige,alis na ko at salamat sa lahat,"matamis ang ngiti nitong sabi. Bakas sa maganda nitong mukha ang isa pang emosyon pero di niya iyun matanto kung ano.

Gusto niya na pigilan mo siya!

Namalayan na lamang ni Alazis na sumusunod siya sa dalaga habang papalapit ito sa lalaki na nakatayo sa gilid ng itim na kotse.

Agad na naningkit ang mga mata niya ng makita ang kinang sa mga mata ng lalaki.

May gusto kay Evelyn!

Naikuyom niya ang mga palad. Alam niyang wala siyang karapatan sa personal na buhay ng dalaga at kung sino man ang kakaibiganin nito pero..pero ang makita ito na may kasamang ibang lalaki. Hindi niya gusto.

" Evelyn.."pagtawag niya rito.

Agad na lumingon ito sa kanya. Napatingin din sa kanya ang lalaki. Tila noon lang nito siya nakita.

"Evelyn,siya ba ang tumulong sayo?" anang ng lalaki.

"Uh,Oo," agad na pagtugon ng dalaga rito.

"Ako nga pala si Omar,salamat sa pag-aalaga mo kay Evelyn..kung hindi dahil sayo baka hindi ko na siya ulit makita pa,salamat talaga,Pare,"pagpapakilala nito sa kanya.

Sumulyap siya sa nakalahad nitong palad sa kanya.

Sumulyap siya kay Evelyn. Alam nitong hindi siya basta-basta nakikipagkamay na kahit kanino. Ganun siya kaselfish sa sarili niya.

Malamig na binalik niya ang tingin sa lalaki na tila naiinip ng tanggapin niya ang pakikipagkamay nito sa kanya.

" Ako na ang maghahatid sa kanya,"maya-maya saad niya.

Isang singhap mula kay Evelyn ang nagpabalik sa paningin niya rito. Gulat ito nanlalaki ang mga mata sa kanya.

"Sige..mauuna na ko,Evelyn..kita na lang tayo bukas," anang ng lalaki na mas lalo nagpagulat sa dalaga.

Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Alazis.

Nang makaalis na ang sasakyan ng lalaki saka lang natauhan ang dalaga.

"Anong..ginawa mo?" maang nitong saad.

Nagkibit siya ng balikat. "May kotse akong kukunin ako na ang maghahatid sayo," aniya sabay talikod rito.

"Alazis! Ugh,why did you do that?!" sigaw nito sa kanya pero nagpatuloy siya sa paglapit sa bike niya.

Napatigil siya sa pagbukas ng motor ng hawakan siya sa braso ng dalaga.

"Why did you do that?" seryoso na nitong sabi.

Nakipagtitigan siya rito.

Don't deny it,Alazis..you know why.

"Alazis..."

"I'm jealous,that's it," maya-maya saad niya sabay paandar niya sa motor at mabilis na pinasibad yun.

Ang bituin na marunong ng magselos.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now