Chapter 14

1.8K 77 8
                                    

ESCORT

Napabuga ng hangin si Alazis habang pinagmamasdan ang sarili sa harapan ng malaking salamin.

He's wearing a gray three-pieces suit. Nakapusod ang mahabang niyang buhok kaya mas maaliwalas tignan ang mukha niya ngayon.

Agad na nagsalubong ang kilay ni Alazis. Kailan pa siya naconscious sa hitsura niya?

Tsk!

Tonight,he will be  escort for Evelyn Sacariaz. Ngayon gabi na ang pinakahihintay nito para magpakita sa mga taong nanakit rito. Ang madrasta nito at ang stepsister nitong si Bianca.

Hindi niya tungkulin alamin ang lahat kay Evelyn pero namalayan na lamang niya na alam na niya ang lahat-lahat ka Evelyn Pati ang pangarap nitong maging astronaut.

Kumabog ang dibdib niya ng maalala ang mga sinabi ni Evelyn habang natutulog ito.

She's talking while asleep!

She's fall in love with him!

Naikuyom niya ang mga palad at napapikit ng mariin. Hindi siya nakatulog dahiL doon at talaga nakapagbagabag iyun sa kanya.

Pero...may anong kasiyahan siyang nararamdaman.

Napatiim ng bagang si Alazis. Muli niyang sinaisip  na hindi siya tutulad sa mga kagaya niyang bituin na nabaliw dahil dun!

Napukaw siya ng banayad ng katok.

"Alazis..ahm,ready ka na?"

Agad na kumalabog muli ang dibdib niya.

Ano ba nangyayari sayo,Alazis?!

Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Alazis ng pagbuksan niya ng pintuan si Evelyn. Ngunit hindi napigilan ni Alazis na mamangha at titigan ng ilang sandali ang anyo ng dalaga.

She's wearing a white long sleeves kneelenght dress. Nakapusod ang buhok nito at may manipis na kolorete sa mukha na lalong nagpalitaw sa maganda nitong mukha.

Her eyes. Iyun ang parte ng mukha nito ang pinakagusto niya.

"Ahm,Panget ba?" pukaw nito sa kanya at agad naman nakabawi si Alazis mula sa pagkakatulala sa dalaga.

Uh-oh,Alazis! She's got you!

Mariin niya naikuyom ang mga palad. Walang emosyon ang mukha na pinasadahan niya ito ng tingin saka bumalik sa mukha nito.

"Paano ka sasakay sa bigbike ko na ganyan ang suot mo?"

Napakurap-kurap ang dalaga sa sinabi niya.

Ang sama mong bituin,Alazis!

"A-ah,o-oo nga noh.."napapahiyang saad nito.

Agad na nakaramdam ng guilt si Alazis ng makita ang pagkapahiya at pagkadismaya na dumaan sa maganda nitong mga mata.

"Ahm,magpapalit ako ng jeans tapos,ahm..doon na lang ako magbibihis nito ulit," anito sabay mabilis na tumalikod sa kanya.

Napatiim-bagang si Alazis. Bakit bigla sumama ang pakiramdam niya?!

Karma mo yan,Bituin!

"Akala ko pa naman pupuriin niya ko sa hitsura ko ngayon kasi natutulala naman siya pero,tsk! Panira ng self confidence talaga si Sungit!"

Napahinto siya ng mapadaan sa pintuan ng silid ng dalaga ng marinig niya ang sinabi iyun ng dalaga.

Hindi siya magpapaapekto! Ayaw niyang matulad kay Constell!

We'll see,Alazis Daru! Anang ng isip niya.

Tiim-bagang na lumabas siya ng bahay para ihanda ang bigbike niya.

Hindi naman kasi dapat magsuot ng ganun damit kapag ganito ang sasakyan niya!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now