Chapter 3

2K 91 3
                                    

ALIVE

Sana man lang bago siya namatay nagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin gaya ng makapaglibot sa buong mundo..at makarating sa kalawakan.

Napangiti si Evelyn. Ninais niyang maging astraunaut para makarating sa kalawakan pero hanggang panaginip na lang yun.

She's died now. Well,hindi na masama dahil mas maganda ang langit na kinaroroonan niya ngayon. Maaliwalas,tahimik at sariwa ang hangin na pumapasok sa nakabukas na balkonahe.

Balkonahe?

Wow,ganito ba ang langit?!

Napakurap-kurap si Evelyn habang nakatitig sa puting kurtina na mabining tinatangay ng hangin. Naipilig niya ang leeg. Mali ba ang akala niya ? Kapag napunta ka sa heaven hindi ba dapat nasa harap ka ng mataas ng gate habang kaharap mo si San Pedro?

Pero heto siya kampanteng nakahiga sa malambot na kama habang nakatagilid ng pwesto paharap sa balkonahe.

Bumangon siya at may ngiti sa mga labi na nag-inat siya ng mga braso. Napangiwi siya ng sumakit ang kaliwang balikat niya.

Agad na hinilot niya iyun at natigilan. Minasahe niya ang nanakit na balikat. Maya-maya pa ay nangunot ang nuo niya.

Bakit siya nakakaramdam ng sakit? Hindi ba patay na siya at isa na lamang siyang kaluluwa?

That's weird!

Habang hinihilot pa rin ang nanakit na balikat bumaba siya ng kama at tinungo ang balkonahe. Agad na namangha ng makita ang tanawin. Mula sa dakong paroon tanaw ang malawak na karagatan at sa likod niyun ang isang mataas na bundok.

Bundok? Dagat?

May bundok at dagat ba sa langit?

Napupuno na ng pagtataka ang utak ni Evelyn sa nakikita niya. Nasaan ba talaga siya? Nasa langit ba siya o nasa paraiso?

Ahh! Evelyn,baka pwede ka ng makarating sa kalawakan tutal kaluluwa ka na!

Tiningala niya ang kulay asul na kalangitan.

"Paano ako makakarating dun?" usal niya habang nakatingala pa rin sa langit.

Pero teka lang..

"Bakit nasa itaas pa rin ng ulo ko ang kalangitan?"

Agad na bumaba ang paningin niya. Nakatunghay siya ngayon sa bariles ng balkonahe at ganun na lang ang pagkagilalas niya ng makitang lupa ang na may pinong mga damo ang nakikita niya. Hindi ba dapat mga kabahayan o kalupaan o katubigan ang makikita niya pagkatunghay niya dahiL nasa langit na siya?!

Ano ba ang nangyayari?!

"Shit,nasa lupa pa ang kaluluwa ko..." anas niya na maang pa rin  nakatitig sa ibaba.

Kung ganun hindi ka pa tinatanggap ni Lord sa langit,Evelyn!

Naipikit niya ang mga mata ng mariin. Agad na nasapo niya ang ulo ng biglang sumakit iyun. Ang weird kasi kaya tuloy gulong-gulo ang isip niya!

"Okay,relax lang..siguro nga may gagawin pa ko rito sa lupa kaya nandito pa ko.." usal niya pagkaraan.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Inulit-ulit niya iyun hanggang sa mapigil niya ang hininga ng sapuhin niya ang kaliwang dibdib.

Bakit tumitibok pa rin ang puso niya?!

Nanlalaki ang mga mata na habol niya ang hininga ng matantong pigil pala niya ang paglanghap ng hangin.

Sheyt! Anong nangyayari sa kanya?!

Sapo-sapo pa rin niya ang tapat ng puso niya na ngayon ay ubod ng bilis na tumitibok iyun dahil sa pagpipigil niya ng hininga.

"Gising ka na pala," anang ng isang boses mula sa isang lalaki.

Marahas na napalingon si Evelyn sa nagsalitang iyun. Lumaki ang awang ng kanyang mga labi ng masilayan ang may-ari ng boses na iyun.

Si San Pedro?

Ang gwapo pala ni San Pedro?!

Infairness,bata pa siya di tulad ng alam niya na matanda na may puting mahabang balbas pero ang nasa harapan niya ngayon ay buhok ang mahaba at kulay puti iyun pero malinis ang mukha. Napakagwapo ni San Pedro pala!

"Buhay ka pa,Miss..hindi ako si San Pedro,"malamig nitong saad habang nakahalukipkip ang braso at nakasandal sa gilid ng nakabukas na pintuan.

Ano raw?

Buhay pa daw siya?

Hindi ito si San Pedro?

"H-hindi nga?" tulirong usal niya habang titig na titig pa rin sa lalaki na hindi raw siya si San Pedro.

Malamig ang kulay abuhin mga mata nito na nakatitig sa kanya. Ang mga mata na puno ng kasupladuhan at misteryuso.

"Kung gutom ka na nasa kusina ang pagkain mo..isang linggo kang walang malay," malamig nitong saad sabay talikod sa kanya.

Ano raw?

Isang linggong walang malay? Ano? Nacoma lang ba siya mula sa pagkakahulog niya sa bangin?!

Pero bakit hindi sa hospital siya nagising at dito siya sa silid na ito?!

Buhay ka,Evelyn!

You are still alive!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now