Back Scene

2.5K 83 21
                                    

Taas-nuo na nilapag ni Bianca ang bitbit na paperbag sa ibabaw ng desk ng sekretarya ni Evelyn. Alam niyang magugustuhan iyun ni Evelyn. Napangiti siya sa maaaring mangyari rito.

Hindi siya makakapayag na maisahan siya nito. Sana hindi na ito nabuhay pa!

May pangamba man na maaari sya ipakulong nito sa ginawa niya rito pero sinong maniniwala kung sila lamang ng kanyang ina ang naroroon at nasa panig niya ang ina.

Nang makitang pabalik na ang sekretarya mabilis siyang umalis roon at pumasok sa isang opisina na ginagamit niya ngayon mula ng ariin na ni Evelyn ang president's office.

"Hindi ako makapaniwalang ginawa mo yun?!"puno ng pangamba at galit na kompronta sa kanya ng ina pagkagaling nito sa ospital.

Kalmante lang sya nakaupo sa sofa habang tumitingin sa hawak ng magazine.

"Nakikinig ka ba,Bianca?!" galit ng sigaw sa kanya ng ina.

Noon lang niya ito sinulyapan. Nilapag niya ang magasin sa center table at humalukipkip sa ina.

"Hindi naman niya iyun ikamamatay," balewala niyang sagot rito.

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang ina.

"Bakit ka ganyan..tama na ng hayaan natin siya noon mahulog sa bangin! Hindi ka ba natatakot makulong?!" naiiyak na nitong turan.

Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi niya magagawa yun dahiL..kasingbait din naman siya ni Tito," aniya.

"Mamili ka ang maging sekretarya ko..o maghaharap tayo sa korte?" dominante sabi ni Evelyn sa kanya ng tuluyan na nitong makuha ang kompanya mula sa pamamalakad niya.

Naikuyom niya ng mariin ang mga palad. Nakalatag sa harapan niya ang lahat ng bagay na mawawala sa kanila ng kanyang ina.

"Hahayaan ko na sa inyo ang mansion pero kailangan mo ng magtrabaho ngayon ng mabuti dahil kaya kong sirain ang record mo sa kompanya na posible mong pasukan..at ang maging sekretarya ko ang best choice mo para ma-save yang pride mo," nakangisi nitong sabi.

Lalo lamang siya nanliit sa sarili niya pero anong magagawa niya? Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sundin ang pride niya.

"After nang business trip na 'to..magbabakasyon ka? Paano ang kompanya? Mga investor natin na masyadong demanding!" sita niya rito habang hinihintay nila ang fligth nila pabalik ng pilipinas.

Nagkibit ito ng balikat at ngumisi sa kanya.

"Ano pa at naging sekretarya kita kung hindi mo magagampanan ang trabaho mo..saka alam mo naman kung paano patakbuhin ang kompanya natin eh," anito na kinamaang niya.

Kaya hindi niya ito magustuhan ng umpisa lang dahil sa kabaitan nito. Sa tingin niya kasi uto-uto ito at mahina kaya naman mahal na mahal ito ng ama nito. Minsan na niyang narinig na kinumpara siya ng stepfather niya rito kaya naman simula noon kinamuhian na niya ang dalaga.

May ugali din ito na palaban pero mas nangingibabaw ang pagiging mabuting tao nito.

Hindi man niya ipakita rito na pinagsisihan na niya ang lahat na nagawa niya rito ginagawa naman niya iyun sa pagiging maayos at masipag na sekretarya nito.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now