Chapter 16

1.8K 65 3
                                    

TAKE OVER

"Hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mong yan?" paninita niya kay Evelyn na tilang bata na pinapaikot ang inuupuan nitong swivel chair sa likod ng desk kung saan naroroon sila sa private office ng ama nito.

Tumawa ito at tumigil paharap sa kanya. Dumikwatro ito at pomorma na tila isang boss. Ngumisi ito. "I'm the boss now,Attorney!"

Marahas siyang napabuga ng hangin sa inasta nito. Alam niyang may pagkasaltik ito pero hindi niya mapigilan na mamangha sa ugali iyun ng dalaga.

No,Alazis Daru.

Sabay na napalingon sila sa pagbukas ng pintuan. Agad na natigilan sa pagpasok ang stepsister nito na si Bianca.

"W-what are you doing here?" maang nitong saad.

Kasunod nito ang ina na nagulat din pero agad din nakabawi. "Evelyn!" madamdamin nitong saad.

Alam niyang totoo ang pinapakita nitong emosyon hindi gaya ng anak nito.

Bumaling siya kay Evelyn. Kalmante lang ito sabay ngiti sa mag-ina. Nanatili ito nakaupo sa likod ng desk na pag-aaari ng yumaong ama nito..na siya din pag-aaari na nito ngayon.

"Magandang umaga sa inyo! Bakit hindi kayo maupo?!" masigla saad ni Evelyn.

Humalukipkip siya at tahimik lang na pinanuod ang mga ito.

"Uuwi ka ba sa bahay? Pinalilinis ko araw-araw ang kwarto mo," madamdamin saad ng ginang ng makaupo ito sa kaharap na upuan.

Nanatiling nakatayo lang sa likod ng upuan ang anak nito na si Bianca. Bumaling ang tingin niya rito at pinukulan niya ito ng malamig at blanko tingin ng makita sa mga mata nito ang pagkamangha sa kanya.

Is he Evelyn boyfriend?

Napailing na lamang siya sa nabasa niyang iyun sa isip nito. She's a stealer?

Bakit,Alazis? Kayo ba ni Evelyn at iyun ang naisip mo?

Agad na lumapit siya sa gilid ni Evelyn at dinampot ang isang puting folder.

"Ito ang last will testament ni Mr.Sacariaz,Evelyn take over now this company since she's still alive..." matiim at seryoso niyang saad sa mag-ina.

"Ahm,o-oo naman..s-sayo naman talaga ang posisyon dito..pero..pero kasi mula ng mawala ka..ahm,si Bianca ang pinagbotohan na imanage ang kompanya,saka..saka di ba? Kailangan muna magpaboard meeting..at..--"

"Marami ka pang dapat matutunan sa kompanya ito,Evelyn ..kaya hindi mo na lang basta-basta hawakan ang kompanya ito," pagsabad ni Bianca sa ina. Nanghahamon ang tono nito.

Nagkibit ng balikat si Evelyn.

"I know na wala akong alam sa pagmamanage ng kompanya ito pero..I'm the owner,the boss..pwede ko naman matutunan iyun ng paunti-unti,hindi ba?" ganti tugon ni Evelyn.

Napatitig si Alazis sa dalaga. Matapang nitong hinarap ang stepsister nito.

"Oo nga pero..alam mong may dapat ka pang pagdaanan at syempre depende sa mga board members kung karapat-dapat ka nga kahit nakasaad sa last will ni Tito na ikaw ang may-ari ng Sacariaz Company!"

Mapaklang tumawa si Evelyn na kinamangha ni Alazis.

"Bakit ka ba nagagalit? Alam ko naman yun," natatawang tugon ni Evelyn.

"Uh,m-mabuti pa magpatawag tayo ng meeting para dyan,hindi ba?" pagkibo na ng ginang sa pagitan ng salpukan ng dalawang babae. Tumayo ito at tumabi sa anak marahil para pakalmahin ito.

Tumayo si Evelyn at nakangiti na lumapit sa mag-ina. Nanatili masama ang anyo ng stepsister nito.

"Alright,May board meeting tayo bukas ng umaga after masettled ang posisyon na ito..oras na rin para harapin mo ang kaso na isasampa ko sa inyo," mariin at matiim na saad ni Evelyn.

Namutla ang ginang at agad na nabahiran ng takot ang matapang na anyo ng stepsister nito.

"E-evelyn..h-hindi naman namin sinasadya yun..h-hindi ko gusto na mangyari yun sayo..a-ako na lang ang sampahan mo..h-huwag na si Bianca t-tutal naman ako talaga may kasalanan hindi kita agad hinawakan," naluluhang pakiusap ng ginang kay Evelyn.

"No,Tita...ang pagkakaalala ko ang anak niyo ang may gustong tuluyan akong mamatay ng mga oras na yun," mariin na saad ni Evelyn.

"Kaya naman..ihanda niyo na ang paghaharap natin sa korte lalo ka na Bianca," hamon ni Evelyn at taas-nuo na iniwan ang mag-ina na tulala.

Sumunod siya sa dalaga. Naabutan niya ito sa gilid ng elevator. Tila nanghihina ito.

"Evelyn.." pukaw niya rito.

Sinulyapan siya ng dalaga. May bahid ng lungkot ang ngiti nito.

"Tama ba na gantihan ko sila?"

He heave a deep sighed.

"Kung hindi mo kaya wala din saysay..may iba pa naman paraan," aniya.

Tumango ito. "Itutuloy ko pa rin," anito.

"You're the boss,anyway," usal niya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now