Chapter 15

1.6K 62 1
                                    

SACARIAZ

Panay ang hugot ng hininga ni Evelyn habang naghihintay ng tamang oras para sa pinakahihintay niyang pagpapakita muli sa lahat. Na buhay na buhay siya na inakala ng lahat ay tuluyan na siyang sumunod sa kanyang mga magulang.

Alam niyang sa pinakikitang pagdadalamhati ng mag-ina ay ang akibat ng tagumpay na makuha ang lahat ng pag-aaari niya. Well,nagkakamali sila dahil sa maikling sandali babawiin niya ang dapat na sa kanya lang.

Bukas-sara ang nanlalamig niyang mga palad na nasa magkabilang gilid niya. Napaigtad siya ng may humawak sa siko niya.

"Alazis!" bulalas niya ng lingunin ang nakakunot-nuong lalaki.

"Masyado kang kinakabahan,hindi ba ito ang gusto mong mangyari?"saad nito.

Alanganin na tumawa siya ng mahina para ikubli ang kaba niya na kanina pa niya kinakalaban.

" Sila ang dapat ang makaramdam niyan..hindi ikaw,"matiim nitong saad.

Tumango siya at marahas na humugot ng malalim na hininga. "Yeah,tama ka..dapat taas-nuo akong haharap sa kanila!" kumpiyansa na niya sa sarili.

"Oras na para magpakita ka," anito sabay amba nito ng braso sa kanya kung saan siya kakapit.

Mabilis na pinasadahan niya ito ng tingin. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at may suot na salamin na lalong nagpalitaw ng pagiging suplado nito..pero sobrang gwapo talaga nito.

"Evelyn..."

Agad na natauhan siya mula sa pagkakatitig niya rito. Nginisihan niya ito para itago ang pagkapahiya niya sa sarili.

"Let's go,my laywer!"

Napabuga ito ng hangin na kinatawa niya at muling nilakasan ang loob habang papalapit sila sa likod ng make-shift stage na nasa gitna ng hallway ng building ng kompanya nila. Dinig na dinig niya ang nagkukwentuhan mga bisita. Tumigil sila sa madilim na bahagi ng stage ng magsimula ng magbigay ng speech ang mag-ina. Naroroon din ang matandang abogado na siyang magbibigay ng signal kung saan siya papasok para magpakita sa lahat.

"Nakakalungkot man na magkasunod na nawala sa amin ang pinakamamahal namin sa buhay pero heto kayo..nandito at karamay namin," madamdamin saad ng madrasta niya.

"Isa lang ang pinapangako namin..ako at ng unica Hija ko,si Bianca.."

Naningkit ang mga mata niya ng makita ang mapagkunwaring lungkot sa mukha ni Bianca. Naikuyom niya ang isang palad. Hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Na hayaan siyang mamatay!

Napukaw siya mula sa pagkalma niya sa sarili ng magsalita ang matandang abogado.

This is it,Evelyn Sacariaz!

Napasulyap siya kay Alazis ng maramdaman ang mabilis na pagpisil nito sa kamay niya na nakakapit sa braso nito. Matamis na nginitian niya ito na kinatitig lang nito. Sandali man iyun,kitang-kita niya ang pagdaan ng pagkamangha sa mga mata nito.

"Sa lahat na naririto may nais akong mahalagang iaanunsiyo," simula ni Atty.Romano.

Nakita niya ang pagtataka ng mag-ina sa sinabi ng matandang abogado.

"Alam natin lahat na pinagdalamhati natin ang pagkawala ni Ms.Evelyn Sacariaz..pero..napakabuti ng ating Panginoon na hindi Niya pinabayaan ang kaisa-isang Sacariaz na siyang nagmamay-ari ng Sacariaz Company.."litanya nito na nagpasimula na sa pagbubulungan ng lahat. Lito naman napalapit ang madrasta niya sa abogado.

" Nais kong ianunsiyo na si Ms.Evelyn Sacariaz ay...buhay at ligtas mula sa trahedya iyun,"sa wakas anunsiyo na nito sa pagpapakita niya sa lahat.

Lumiwanag ang buong paligid at sa palagay niya si Alazis ang may gawa niyun dahil nakita niya ang pagpitik nito.

Sabay-sabay na napasinghap ang lahat ng makarating sila sa harapan sa tabi ni Atty.Romano.

Ngumiti siya sa lahat. Kitang-kita niya ang pagsinghap ng madrasta niya at ang paglaki ng mga mata ni Bianca. Hindi ito makapaniwala na naroroon siya.

Humanda ka,Bianca...

Nginitian niya ang mag-ina.

"Kamusta...?"

Bigla siya niyakap ng madrasta niya. Umiiyak na ito.

"Diyos ko! Salamat at buhay ka!!!" hagulhol ng ginang.

Alam niyang hindi nito kagustuhan na hindi siya matulungan nito noon nasa bingit siya ng kamatayan pero hindi pa rin mawawala ang galit at pagkadismaya niya rito kaya kailangan pa rin nito pagbayarin ang pagpapabaya sa kanya.

Tinitigan niya si Bianca. Namumutla ito. Takot at gulat na may halong galit na nakamaang sa kanya. Nginisihan niya ito at nanlisik ang mga mata nito ng makabawi ito sa sarili.

Napatingin siya sa madrasta niya na luhaan na sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Diyos ko,gabi-gabi pinagdadarasal ko na ligtas ka,Evelyn..Diyos ko," luhaan pa rin nitong saad at muli siyang niyakap ng mahigpit.

Magsisimula na ang pagbawi niya sa mga nawala sa kanya.

Pinanuod niya ang pag-alis ni Bianca sa entablado. Nagsimula na rin magsing-akyatan roon ang lahat para kamustahin siya. Noon lang niya natanto na wala na pala sa tabi niya si Alazis. Nakita niya ito na nasa gilid ng entablado. Matiim na tinanguan siya at nginitian naman niya ito bilang tugon.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now