Chapter 33

1.5K 61 5
                                    

I LOVE YOU

Kanina pa gumugulo sa isipan niya ang mga sinabi ni Evelyn. Hinayaan niyang maramdaman ang pagbigat ng kalooban niya. Hindi niya naisip na pasamantala lang ang pananatili niya sa mundo ng kasintahan.

Pero hindi niya pinagsisisihan na hinayaan niya na mahulog ng tuluyan sa dalaga. Ang mabaliw sa pag-ibig.

Mariin siya nakatitig sa apoy na malapit ng mamatay. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. May paninindigan siya. Kung ano ang salitang lumabas sa mga labi niya ang hindi iyun mababali.

Babalik siya sa mundong pinagmulan. Hindi dahiL kinakailangan kundi isa iyun salita mula sa isang bituin na may paninindigan.

Naikuyom niya ang mga palad. Pero..mahirap. Wala siyang pipiliin dahil sa umpisa pa lamang iyun na ang kapalaran niya..nila.

"Hindi ako makatulog," pagtabi sa kanya ng dalaga at nasa balikat na niya ang ulo nito. Nagpakawala siya ng tahimik na pagbuntong-hininga.

"Alazis.."

Bumaling ang paningin niya rito mula sa pagkakatitig niya sa apoy at ito naman ay nakatitig roon.

"Sorry sa naging tanong kanina..alam ko naman na..hindi ka magtatagal rito..na kailangan mong bumalik sa inyo," anito na hindi inaalis ang tingin sa apoy.

Mariin niyang muli naikuyom ang mga palad. Lalong bumibigat ang dibdib niya.

Umayos ng upo ang dalaga at humarap sa kanya. Mababanaag sa mga mata nito ang lungkot. Agad na ibinaling niya ang paningin sa apoy. Hindi niya kaya makita ang emosyon iyun dahil...lalo lamang siya mahihirapan.

"Pinag-isipan ko ito ng maraming beses..."

Agad na naibalik niya ang tingin rito sa sinabi nito. Maliit na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito na may kasamang..hiya?

"Since I'm old enough and..very consent adult..baka pwedeng iwan mo ako ng magandang alaala na hindi ko makakalimutan habam-buhay," anito sabay iwas ng mga mata sa kanya.

"Evelyn.." anas niya. He knew what she meant!

Napakagat ito sa pang-ibabang-labi nito. "Sorry. Ayokong isipin mong ang liberated ng utak ko!" napapahiyang pagtawa nito.

Napakamot ito sa gilid ng nuo nito. Mula sa liwanag ng apoy kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.

"Sheyt! Hindi dapat ako nagrirequest ng ganun! Inosente pa naman ako sa ganun!" napapahiyang bulalas ulit nito.

Ngumuso ito at marahas na napahilamos sa namumula nitong mukha. "Antok lang siguro ito," anito na ngayon sarili na nito ang kausap.

Awkward na bumaling sa kanya ang dalaga. "Sorry..minsan talaga ang halay ko din eh noh?" anito sabag ngiwi ng makitang seryoso lamang siya nakatitig rito.

Napanguso ito. "Hay! Makatulog na nga! Nainitan lang ako! DahiL sa apoy!"

Bago pa man ito makatayo hinagip niya ang isang braso nito upang mapasubsob ito sa kanya. Napasinghap ito ng malakas at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng mukha sa kanya.

"You don't need to ask for that,Evelyn.." anas niya sa tapat ng mukha nito. "It will happen if we want to...for love," halos paos na ang boses niyang saad.

Nakita niya ang paglunok nito at pag-awang ng mga labi nito. "S-s-sorry..a-alam ko nam--"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin pa nito ng sakupin niya ang mga labi nito. Napasinghap ito sa bibig niya at naging mapusok ang ginawad niyang halik rito. Napakapit ito sa unahan ng T-shirt niya at maya-maya pa ay tumutugon na ito sa mapusok niyang halik.

Pinagparte niya ang kanilang mga labi at kapwang namumungay ang kanilang mga mata.

"I..love you,Evelyn...and I want to make love with you?"

Unting-unti tumango ang dalaga na lalong nagpatindi ng init sa pagitan nila ng kasintahan.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя