Chapter 9

1.6K 79 1
                                    

NIGHTMARE

Maligalig at basa ng luha ang mukha ni Evelyn habang nakapikit. She's having a bad dream. Isang bangungot na hindi niya malilimutan.

Sa panaginip iyun,kitang-kita niya ang poot at inggit sa mga mata ng stepsister niya samantalang takot at pag-aalala naman ang makikita sa mukha ng kanyang madrasta habang nakadungaw ang mga ito sa kanya na pilit na kumakapit upang iligtas ang sariling buhay.

Ngunit siguro nga nakatakda na siya mawala sa mundo habang unti-unting nahuhulog umuusbong ang pait,galit at suklam para sa mga taong hinayaan siyang mamatay.

Isang impit na maligalig na ungol ang kumawala sa mga labi ng dalaga kasabay ng paghikbi.

"Evelyn...Evelyn.."

Bigla kumalma ang dalaga ng makarinig ng isang boses. Masuyo at may pag-aalala siyang nahihimigan roon.

"Wake up.."

Unti-unti nagmulat siya ng mga mata kahit namimigat at mahapdi ang mga iyun.

"A-Alazis...?" paos niyang saad.

Wala sa sarili na napabalikwas siya at yumakap siya sa lalaking nakaupo sa gilid niya. Naramdaman niya ang biglang paninigas nito pero nanatili siyang nakayakap rito.

"S-sabihin mo...b-buhay pa ko,di ba?" usal niya na patuloy pa rin sa pagtulo ng mga luha niya.

Napapikit siya at nakalma ng maramdaman ang pagtugon nito sa yakap niya.

"Buhay ka,Evelyn..."

"H-hinayaan nila ako mamatay..gusto nila kong mamatay!" lumuluhang saad niya na puno ng poot at galit.

"Bakit? Hindi naman ako naging masama sa kanila..bakit nila ginawa sakin yun?"

Patuloy siyang umiiyak sa balikat nito na hinayaan naman siya nito.

Naramdaman ni Evelyn na masuyo nitong hinaplos ang likod ng ulo niya.

"Ginusto ka man nila mamatay pero hindi Niya iyun hinayaan,Evelyn..dahil alam Niya ..hindi mo pa oras at may dapat ka pang gawin sa mundong ito..gawin ang gusto mo,lahat-lahat na hindi mo pa nagagawa sa buong buhay mo.." masuyo nitong saad.

Unti-unti kumalma sa pagluha si Evelyn ng marinig ang masuyong pagsasalita ni Alazis. Malayo sa supladong tono nito. Napakasarap pa lang pakinggan ang boses nito na hindi nagsusungit.

Dahan-dahan siyang kumawala sa pagkakayakap niya rito. Agad na pinahid niya ang mga luha sa mukha niya.

"Gusto nila agawin sakin ang iniwan ng aking magulang.."

Tahimik lang nakatitig sa kanya ang binata.

"G-gusto ko na hindi sila magtagumpay sa bagay na yun,"saad niya habang nakakuyom ang mga palad.

" Gusto mong maghiganti sa kanila?"matiim nitong tanong sa kanya.

Nag-angat siya ng paningin rito.

"Alam kong hindi maganda ang gumanti pero...hindi ko matanggap na nagawa nila sakin yun," mariin at mapait niyang tugon rito.

"Wala naman masama gumanti pero sa tamang paraan,Evelyn.."

Napatitig siya sa lalaki. Hindi niya aakalain sa kabila ng pagiging suplado nito at kawalan ng pake sa lahat ng bagay ay maririnig niya na papayuhan siya nito.

Unti-unti siya napangiti. Lalo lamang siya napapahanga nito.

Paghanga ba? Baka naman malalim pa diyan?!

"Tutulungan mo ako?"

Nagsalubong ang mga kilay nito pero hindi nagsalita.

"Tutulungan mo ba ko?" pag-ulit niya.

Ilang sandali pa bago ito nagreak. Isang marahas na pagbuga ng hangin ang pinakawalan nito.

"Isa lang akong bituin ng buhay..hindi ako fairy o anupaman," pagsusungit na muli nito.

Natawa siya sa sinagot nito.

Hay,masungit na naman siya!

Ewan ba niya imbes na kabahan sa tuwing magsusungit ito natutuwa pa siya!

"Help me..ayaw kong gawin ito ng mag-isa paano ako magtatagumpay kung wala akong pagbabasehan ng opinion..i need someone to help me and guide me..like my guardian Angel..you,Alazis Daru.." malambing niyang pangngungubinsi rito.

Walang emosyon na tumitig lang ito sa kanya pero alam niyang tutulungan siya nito.

Isang matamis na ngiti ang pinukol niya rito.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now