Chapter 30

1.6K 78 8
                                    

NEW BOSS

Ang saya na nararamdaman niya ng araw na iyun na official na nga silang may relasyon ni Alazis ay saglit din nahalinhan ng pangamba at inis para sa stepsister niyang si Bianca ng madatnan ang pagkakagulo ng mga empleyado ng makarating siya sa opisina ng Sacariaz Company.

"Paano na tayo? Kung bago na ang may-ari ng kompanya ibig sabihin mapapalitan na tayo lahat!" puno ng pangamba saad ng isang empleyado na sinang-ayunan ng lahat.

Napalingon siya kay Alazis na kalmante lang nakikinig sa mga ito. Naikuyom niya ang mga palad.

"Sa akin nakapangalan ang kompanya ito,paanong napunta sa iba ang pag-aaari ko!"kumawala ang galit at inis niya sa lahat. Nagtipon-tipon sila sa board's room. Hindi makatingin sa kanya ang mga ka-share's holder ng kompanyang ito. Namumutla naman at puno ng takot ang mababanaag sa mukha ng madrasta niya at samantalang matalim naman ang tingin na pinupukol sa kanya ni Bianca.

Tinapatan niya ang matalim nitong pagtitig. " Ikaw ang inaasahan ng lahat sa pamamalakad ng kompanya. Paanong napunta sa iba ang kompanya ito?"mariin niyang saad.

"Bakit hindi sila ang tanungin mo? Hindi ko naman hawak ang shares nila sa kompanyang ito!" sarcastic nitong tugon sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata ng mariin. Pilit na kinakalma ang ang sarili.

Napamulat sya ng may humawak sa kamay niya na mariin na nakakuyom.

Napabaling siya rito at yumukod ito at inilapit ang mukha sa gilid ng mukha niya.

Unti-unti nanlaki ang mga mata niya sa ibinulong nito sa kanya. Napabaling siya rito. Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa kanila.

Tinanguan siya ni Alazis. Doon na niya hinamig ang sarili at muling humarap sa lahat.

Bumaling siya sa mga board's member.

"May dahilan kung bakit ibinenta niyo ang mga shares niyo..pero gusto ko pa rin marinig ang paliwanag niyo,"seryoso at pormal niyang sabi. Nagtinginan ang lahat at hindi alam kung sino ang mauuna.

Malakas niyang inilapat ang mga palad sa kahoy na pahabang mesa na kinaigtad ng lahat.

" D-doble kasi ang kikitain. Members pa naman ako at..at nag-invest siya sa itinayo kong kompanya,"kadautal ng paliwanag ng isa sa mga board's member.

Ganun din ang naging paliwanag ng lahat maliban sa isa. Tinuon niya rito ang atensyon. Ito lamang ang hindi nagbitaw ng shares nito.

"Hindi ako naofferan kung sinuman yun," anito sabay sama ng tingin sa mga kasamahan.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "Ano na ang plano mo?" baling niya kay Bianca.

"Ito na ang oras para mapakinabangan ka ng kompanya since sayo naman ito nakapangalan," uyam nitong tugon sa kanya.

"Bianca..."awat ng madrasta niya rito.

Imbes na mainsulto. Tumawa siya ng mahina at nginisihan ito na kinatalim muli ng mga mata nito sa kanya.

"Ikaw ang namamalakad sa kompanya ngayon may malaking problema saka mo iiwan sa ere ang lahat? Napaselfish mo naman," saad niya rito.

"Wala kang alam! Sa tingin mo ginusto kong mangyari ito?!" galit nitong singhal sa kanya.

"Bianca..huminahon ka nga," pagpapakalma rito ng ina.

Tumindig siya at pinagkrus ang mga braso sa harapan niya.

"Hindi mo nga ginusto pero kahit saan anggulo mo tingnan naging pabaya ka..ano kaya sa tingin mo at binenta nila ang shares nila sa kompanyang ito sa isang tao na hindi natin kilala?"aniya. " Ang tanong,inalam mo ba at kinamusta ang bawat shares holder ng kompanyang ito?"

Napasinghap ang madrasta niya at napatiimbagang naman si Bianca. Guilty ang makikita sa mga mata nito.

Sinulyapan niya ang mga shares holder na naroroon. Nakayuko ang mga ito at kitang-kita na sang-ayon ang mga ito sa tanong niyang iyun kay Bianca.

Ngumisi siya ng ibalik niya ang tingin kay Bianca.

"Sumang-ayon sila na ikaw muna ang humawak sa kompanya ito pero mukhang hindi mo naman naibalik sa kanila ang tiwala nila sayo," aniya na puno ng lamig.

Bago pa man makasagot si Bianca. Bumukas ang pintuan at niluwa niyun ang isang lalaki. Sabay-sabay sila napatingin sa bagong dating.

"Imposible...Mr.Constell?" hindi makapaniwalang bulalas ng isang holder na siya hindi naofferan ng bagong dating na negosyante.

It's him..

"I'm the new boss here pero ako lang ang hindi naimbitahan sa pagtitipon nito," seryoso nitong sabi.

Manghang napatingin siya kay Alazis. Nakangisi ang kasintahan. Kampante siya sa bagong dating dahil sa binulong ni Alazis.

Bumaling sa kanya si Mr.Constell at naglahad ng kamay sa kanya.

"It's nice to meet you,Ms.Sacariaz." friendly naman nitong sabi sa kanya kahit naghuhumiyaw sa awtoridad ang presensya nito.

Agad na tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

"We can talk about this matter in my office,privately.." anito sabay sulyap kay Alazis.

Manghang tumango siya rito.

"The new boss is my friend..isa din siyang bituin ng buhay," bulong ni Alazis sa kanya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now