Chapter 29

1.4K 72 2
                                    

OFFICIAL

Nakadalawang baso na ng tubig si Alazis pero ramdam na ramdam pa rin niya ang pag-iinit ng katawan niya lalo na ang mukha niya!

Come on,bituin! Alam mo kung bakit?!

Mariin niya naipikit ang mga mata at agad na gumitaw sa isip niya ang eksenang hinalikan niya ang dalaga.

Nagmulat siya ng mga mata ng bumukas ang pintuan ng silid ni Evelyn. May kiming ngiti itong nakapaskil sa mga labi nito. Lihim siya napabuga ng hangin.

Hindi na niya pwede ikaila sa dalaga ang ginawa niyang iyun. Tumayo siya at mataman na tinitigan ang papalapit na dalaga.

"Ahm,sigurado ka bang gusto mo akong ihatid?"

"Mahihirapan kang kumuha ng taxi dahil maulan pa," aniya.

Tumango ito. "Hmm,buti na lang mabilis nawala ang baha," anito.

Tumango siya. Ramdam nila ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Napabuga siya ng hangin.

"Look..about what ha--"

"Ah! Ayos lang! Gumanti ka lang sa ginawa ko!"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Ngumisi ito sa kanya.

"Alam kong baliw ang tingin mo sakin..sorry,minsan talaga kasi..kapag gustong-gusto ko ginagawa ko talaga.."saad nito na tila binabalewala ang nangyari halikan nila.

Naikuyom niya ang mga palad.

" Ganyan ba kayo kabilis makamove on?"may pait niya saad.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"I kiss you..at parang...wala lang yun sayo," may bahid ng pait sa boses niyang saad muli.

Napaawang ang mga labi ng dalaga. Pinaningkitan niya ito ng mga mata dahil sa nakikitang reaksyon nito.

"What?" sikmat niya rito.

"A-ang ibig mo bang sabihin...m-may kahulugan yun sayo?"

Lalo sumama ang tingin niya rito.

"K-kung ganun...you kiss me because..gusto mo na din ako?!"

Mariin niya naipikit ang mga mata. Napamulat siya kaagad ng bigla na lamang siya nito yakapin.

Bumilis ang tibok ng puso niya ng matunghayan ang magandang mukha ng dalaga na nakatingala sa kanya.

"Tayo na?!"

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Malaki ang pagkakangisi nito. "Ano? Tayo? Boypren na kita? Official in a relationship na tayo?!"

Nanlaki ang mga mata niya sa mga pinagsasabi nito.

Pero,bituin..iyun naman ang gusto mo mangyari hindi ba?

"Ano na? Tayo na?!"

Mariin siya napapikit muli ng mga mata.

"Uyy..nahihiya siya.."

Marahas siya napabuga ng hangin sabay mulat ng mga mata. Hinawakan niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.

"Huwag mo na kong asarin.."

Tumawa ito saka muli siya niyakap ng ubod ng higpit.

"Ang saya naman..may boypren na ko!"

Napailing na lang siya at hinayaan na niya ang sarili na magpadala sa tunay na nararamdaman niya para sa babaeng may saltik sa utak.

Gumanti siya ng yakap rito.

Nababaliw na nga siya...isa na din siya baliw!

Baliw sa babaeng may saltik sa utak!

May gumuhit na ngiti sa mga labi niya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now