Chapter 2

2.2K 111 5
                                    

HEARTBEAT

Maingat na inihiga ni Alazis Daru ang babaeng binigyan niya ng Bituin ng Buhay sa malapad na kama sa isa sa silid na bahay na bigla na lamang sumulpot na di na kailangan pang ng construction. Isang mahika na tanging sila lamang mga nilalang ang makakagawa.

Pinakatitigan niya ang mukha ng walang malay na babae. Kitang-kita niya kung paano ito sinalo ng kamatayan mula sa pagkakahulog nito sa mataas na bangin.

Dumilim ang mga mata niya ng pumasok sa isipan niya kung bakit sinasayang ng mga tao ang buhay nila. Paano kung wala silang mga bituin ng buhay? Sa tingin ba nila mabibigyan pa sila ng pangalawang buhay? Oo,may isang himala na pwede pa silang mabuhay pero hindi sa ganitong paraan na sila lamang mga bituin ang makakagawa.

Humalukipkip si Alazis at humagod sa kabuoan nito ang mapanuri niyang mga mata. Hindi ito katangkaran,malaporselana ang kulay ng balat nito. Bumalik muli sa mukha nito ang mga mata niya.

Maganda.

Agad na inalis ni Alazis ang mga mata sa mukha ng babae.

Maganda.

Salubong ang mga kilay na tinalikuran na niya ang babae na wala pa rin malay. Maghihintay pa siya na magising ito.

Bakit kailangan pa kasi maghintay siya ng siyamnapu't siyam bago siya makabalik sa Starry Temple? Bakit kailangan pang manatili siya rito ng ganun katagal?

Baka naduduwag ka lang magaya kay Constell? Sa pananatili niya rito ng ganun kahabang araw napaibig sa babaeng binigyan niya ng bituin ng buhay?

"Hindi..isang kabaliwan yun,hindi yun mangyayari sakin," anas niya at madilim ang anyo na lumabas siya sa silid ng babae.

Sisiguruduhin niya na hindi siya matutulad sa ibang bituin!

May paninindigan siya. Makakabalik siya sa Starry Temple na hindi mabibiktima ng pag-ibig!

Agad din siya natigilan at napaawang ang mga labi ng gumitaw sa isip niya ang maganda mukha ng babae.

Nasapo niya ang kaliwang dibdib kung saan nagsisimula ng bumilis ang tibok niyun.

Hindi...hindi...

"Marahil naninibago lang ako rito sa lupa,matagal na muli ng may makaharap akong tao," saad niya sa sarili.

Maganda.

Agad na pinalis niya sa isip ang babae. Nagmamadaling nilisan niya ang bahay na iyun.

Habang nandito siya sa lupa mas mainam na sigurong samantalahin niya ang pananatili niya rito sa loob ng mahabang araw.

Paano ang babae?

"Hindi sya mapapano sa bahay na yun," sagot niya sa kanyang isip.

Kinakausap ba niya ang sarili niya?

Bakit?

Kabaliwan!

Padarag na sumakay siya sa magarang Ducati big bike at pinaharurot iyun palayo sa bahay na yun.

Hindi siya mababaliw..lalo na sa babaeng yun!

Sana nga...pagkibo ng kanyang puso.

Mas lalo pinabilis ni Alazis ang pagpapaharurot sa big bike niya.

Hindi siya matutulad sa mga baliw na bituin na yun!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now