Chapter 18

1.7K 69 8
                                    

WORRIED

Kung tutuusin wala na siya dapat pakielam pa sa kung ano ang gagawin ni Evelyn pero heto siya nakaalalay rito at tinutulungan sa mga bagay na hindi pa nito natutunan lalo na kung paano patakbuhin ang kumpanya na iniwan ng ama para rito.

Mataman na pinagmasdan niya ang dalaga habang abala sa harapan ng nagtambak na mga papel. Mga papeles na kailangan nitong pag-aralan.

Pinakatitigan niya ang seryoso nitong anyo habang nakatutok ang mga mata nito sa hawak na papel. Minsan napapakunot pa ito ng nuo kung minsan pa ay napapasimangot pa ito.

Naaamuse tuloy siya sa bawat pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito habang lumilipat ang bawat segundo.

Bigla kumislot ang puso niya ng magtama ang mga mata nila ng dalaga agad na ngumiti ito sa kanya na lalo lamang nagpagulo sa sistema niya.

Be act cool,Alazis.

"Gutom na ko," anito na may ngiti sa mga labi.

Napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sa harap ng mesa nito mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

"Ang pagkakatanda ko,abogado mo ako..hindi mo ako sekretarya," tugon niya rito.

Napatitig siya rito ng tumawa ito. "Sige na,please,Attorney!" anito sa nakikiusap na boses.

Napabuga siyang muli ng hangin.

"Ngayon lang,Ms.President.."aniya.

" Thank you,Atorney! You are my hero talaga!"

Napailing na lamang siya sa tinuran nito.

Nang makabalik siya sa opisina nito may kinakain na ito. Nangunot ang nuo niya na nilapag ang isang paper bag sa center table na may tatak ng isang kilalang fast food chain.

"Ano yan?" untag niya rito.

"May nagpabigay para sakin at paborito ko ito! Sinigang na baboy!" anito habang humihigop ng sabay gamit ang kutsara.

"Kakainin ko yan mamaya!" agad na pagdampot nito sa binili niya ng tangka niya iyun kunin ulit.

Itinabi nito iyun sa may paanan nito at napailing na lamang siya sa inakto nito habang abala pa rin sa pagkain.

"Gusto mo?" alok nito.

Nakahalukipkip na umupo siya sa katapat na inuupuan nitong sofa.

"Alam kong kulang yan sayo," aniya.

Natawa ito at muling nagpatuloy sa pagkain. Nang maubos nito at tinabi naman niya sa loob ng microwave ang binili niyang pagkain ng magpatuloy na ito sa ginagawa.

Nang mainip naisip niyang lumabas muna. Kung tutuusin dapat nasa bahay siya ngayon at nagpapahinga lang at naghihintay sa muli niyang pagbabalik sa templo.

"Busy pa po si Ma'am Evelyn?" tanong sa kanya ng isang empleyado na may dalang makapal na folder ng makalabas siya sa opisina.

"Busy siya,mga report ba yan?"pormal niyang tanong rito.

" Ahm,O-oo,"anito na halatadong naiintimidate sa kanya.

"Ako na magbibigay sa loob," aniya agad naman inabot sa kanya ng babae ang hawak nito.

Bago pa man niya ito talikuran agad na nabasa niya ang nasa isip nito.

Grabe! Ang gwapo talaga niya!

Tinalikuran na niya ito at binuksan muli ang pintuan ng opisina ni Evelyn pero agad din siya natigilan ng makita ang hitsura ng dalaga. Mabilis pa sa hangin na nakalapit siya rito.

"Evelyn?!"

Namumutla at namimilipit ang dalaga habang nakayukyok sa mesa nito. Pawisan at hindi maipinta ang mukha nito.

"Evelyn! Anong nangyayari sayo?" puno ng pag-aalala tanong niya sa dalaga.

"A-alazis,m-masakit ang tiyan ko," daing nito.

Ilang katok at bumukas ang pintuan. "Ma'am Evelyn ,naibi--"

"Tumawag ka ng ambulansiya ngayon din!" maawtoridad na utos niya sa babae na agad nataranta pero mabilis naman tumalima para sundin siya.

Pinangko niya ang dalaga na ngayon ay panay na ang daing.

"A-alazis,masakit talaga!"

"Shh,it's alright..dadalhin na kita sa hospital," alo niya sa dalaga habang buhat-buhat niya ito palabas ng opisina. Agad naman siya inalalayan ng sekretarya ng dalaga na siyang nagpindot pabukas sa private elevator ng palapag na iyun.

"Ma'am! Parating na po ang ambulansiya," nag-aalala na rin saad ng babae na kasama nila sa elevator.

Pilit na nilalabanan ni Alazis ang sarili na huwag mag-aalala dahil alam niyang magiging maayos din ang dalaga pero...mahirap!

Nilulukob na siya ng pag-aalala habang panay pa rin ang daing nito sa bisig niya.

"Hold on,please..don't make me worried too much,hold on,usal niya at idinikit ang mga labi niya sa gilid ng nuo ng dalaga.

Agad naman sinalubong sila ng ambulansiya at agad na kinabitan ng oxygen ang dalaga ng maisakay sila. Agad na sinuri ng dalawang nurse ang statistic ng dalaga.

"Her bp is normal," saad ng babaeng nurse.

Nakabaluktot pa rin ang dalaga.

"Ma'am ano masakit sa inyo at saan banda?"

"A-ang sikmura ko.."pilit na pag sagot ng dalaga.

Mahigpit na hawak niya ang kamay nito na nakakapit din sa kamay niya na tila roon kumukuha ng lakas.

"May kinain po ba kayo bago sumakit tyan niyo?"

"Her lunch," tugon niya.

"Pakibilisan ang pagdadrive,mukhang na food poisoning si Ma'am.." anunsiyo ng matabang nurse.

Agad na nilukob ng galit ang binata ng marinig ang sinabi ng babae.

Iisa lang ang posibilidad kung bakit nangyari ito sa dalaga!

Ang kinain nitong sinigang na baboy na pinabigay lang dito!

Kung sinuman ang gumawa nito sa dalaga hindi niya iyun palalampasin!

Puno ng pag-aalala na hinaplos niya ang buhok ni Evelyn habang dumadaing pa rin ito.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now