Chapter 5

1.9K 89 2
                                    

CRUSH

Pasimpleng sinilip ni Evelyn mula sa likod ng kurtina sa may bintana ng salas ang lalaking na hindi raw si San Pedro. Napangiti siya. Mas namamangha siya sa lalaki na abala sa paglilinis ng big bike nito kaysa sa katotohanan na buhay pa siya.

"Gwapo sana kaso suplado..may girlfriend na kaya siya?" usal niya habang nakatanaw pa rin sa lalaki.

Hey,Evelyn,ano na?! Hindi ka ba nagtataka kung bakit buhay ka pa?

Agad na narealize ni Evelyn ang katanungan na iyun.

May mas mahalaga ang bagay na yun kaysa sa namumuong paghanga para sa lalaking supladong iyun.

She need to ask him now. Malinaw na ang isip niya,Oo..shocks pa rin siya pero mas nangingibabaw ang katuwaan niya na buhay pa siya talaga.

Umalis siya sa likod ng bintana at tinungo ang pintuan. Ngunit bago siya lumabas inayos muna ang sarili. Ang pagkakapusod ng mahaba niyang buhok at pinasadahan ng mga palad ang suot niyang longsleeves white t-shirt at pinagpagpagan ang suot na jeans.

Tumikhim siya bago niya binuksan ang pintuan.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa kinaroroonan ng lalaki. Nga pala,hindi pa niya alam ang pangalan nito.

Tumikhim siya para pukawin ito na tila walang pakielam na nandun siya. Patuloy pa rin ito sa pagpupunas sa bike nito.

"Ahm,pwede ka bang magkausap?" nanantiya niyang saad.

Saglit lang itong sumulyap sa kanya at muling ibinaling ang atensyon sa pagpupunas.

Suplado talaga.

"Kung...busy ka,okay lang kahit hindi ngayon," aniya sabay atras.

Palihim na napabuntong-hininga si Evelyn.

"Ahm,pwede malaman pangalan mo?"

Agad na dinunggol siya ng kaba ng tumayo ito mula sa pagkakasquat nito sa pagpupunas at pumihit paharap sa kanya.

Walang emosyon ang mukha nito na humarap sa kanya.

Naman..bakit ba napakaintimidating niya?!

"Ahm,kung hindi mo mamasamain," aniya.

Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan nito.

"Alazis..ang pangalan ko," sagot nito.

Agad na napangiti siya kahit na kinakabahan na siya. Kaba ba o ibang kaba?

"Alazis...ang ganda ng pangalan,"kasingwapo ng may-ari!

Nakita niya ang pagkunot ng nuo nito.

Hindi naman niya siguro nababasa ang nasa isip niya.

Hay,kahit may pagsuplado siya. Crush ko pa rin siya!

" Yan talaga ang iniisip mo ngayon kaysa isipin ang totoong nangyari sayo? Kung bakit buhay ka pa?"

Napasinghap ng malakas si Evelyn sa sinabi ni Alazis.

What the---

"Huwag mong ituloy yan sasabihin mo..nababasa ko ang nasa isip mo,Evelyn.." matabang nitong saad na lalo lamang kinamaang ni Evelyn.

"..the hell?"wala sa sarili na wika niya.

Dumilim ang mga mata nito na nakapukol sa kanya. Agad na natakpan niya ng mga palad ang nakaawang niyang mga labi.

Sino ba ang lalaking ito?!

Eh di yung crush mo!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now