Chapter 28

1.6K 79 9
                                    

GOOD MORNING KISS

Unti-unti nagmulat ng mga mata si Evelyn. Agad na pinamulahan siya ng pisngi ng makita ang ayos nila ni Alazis. Siya na nakasandig ang mukha sa malapad nitong dibdib habang nakapulupot ang isa nitong braso sa balikat niya at ang isa naman ay nakadantay sa ibabaw ng hita niya.

Shucks!

Nag-angat siya ng paningin humagod ang mga mata niya pataas sa Adam's Apple nito hanggang sa mapupula nitong mga labi.

Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Natutukso na siyang tikman ang mga labi nito!

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

Ngayon lang,promise! Saka tulog naman siya eh!

Maingat ang kilos niya ng bahagya niyang inangat ang katawan. Pigil niya ang hininga ng gumalaw ang binata.

Mabilis na kiss lang naman!

"Thank you kiss saka good morning kiss na rin,"bulong niya sa hangin.

Pinakiramdaman muna niya ang natutulog pa rin ng binata. Napatitig siya sa mga labi nito na bahagya ng nakaawang.

Ang gwapo talaga niya kahit lagi suplado!

Hay naku,Evelyn! Bilisan mo na nga!

Nang makakuha na siya ng tyempo dahan-dahan niya inilapit ang mukha rito. Napangisi siya ng ilang hibla na lang ang layo ng bibig niya sa bibig nito.

" Good morning.."anas niya bago niya pinangahasan na ilapat ang mga labi niya rito.

Woah! Ang lambot ng lips niya!

Agad na natigilan siya ng maramdaman ang pagkilos ng binata. Natigilan din ito at alam niyang nagising na ito!

Nanlalaki ang mga mata na nag-angat siya ng mga mata rito.

Gulat ang masasalamin sa mga mata ng binata. Agad na nilukuban siya ng pagkapahiya dahil nahuli siya nito sa kalokohan niya!

"H-hi,G-goodmorning," kadautal niyang bati rito. Nang hindi kaagad nakareak ang binata mabilis pa sa hangin na tumayo siya.

Napapaypay tuloy siya sa sarili dahil biglang umalinsangan ang paligid niya samantalang naririnig pa niya ang pagbuhos ng ulan sa labas.

"U-uh,m-magluluto na ko ng almusal natin!"

Bago pa man muli ito makatugon kumaripas na siya ng takbo palabas sa silid niya.

Humihingal na nakarating siya sa kusina ng unit niya at bigla siya nanghina kaya napaupo siya sa isang upuan na nasa center island.

Maya-maya gumapang ang isang ngiti sa mga labi niya at dinama naman ng daliri niya ang mga labi niya. Ramdam pa rin niya ang mainit at ang lambot ng mga labi ng binata.

Isang mahinang tawa ang kumawala sa bibig niya.

Lukaret ka,Evelyn!

Nahinto siya sa paghagikhik ng bigla na lamang may mainit na palad ang dumapo sa magkabila niyang pisngi at malakas na singhap ang kumawala sa bibig niya ng isang mariin na halik ang dumapo sa mga labi niya.

Halos lumuwa ang mga mata niya sa kabiglaan.

Bago pa man siya makatugon pinagparte na nito ang mga labi nila.

"That's a proper good morning kiss,Ms.Sacariaz.." matiim na saad nito sa kanya.

Muli nito pinaglapat ang kanila mga labi at sa pagkakataon iyun tumugon na siya.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon