Chapter 35

1.4K 74 1
                                    

PAIN

Mula ng may mangyari sa kanila ni Evelyn mas lalo lumalim ang nararamdaman niya para rito hanggang sa umabot na sa puntong ayaw niyang mawala kahit saglit sa paningin niya ang kasintahan.

Ganito pala nakakabaliw ang pag-ibig..kaya pala..

"Tambay tayo sa may bay,okay?"pukaw sa kanya ni Evelyn na nakalabas na pala sa opisina nito.

"Hindi ka ba pagod? Maghapon ang meeting mo," aniya at inakbayan ito habang papalapit sila sa elevator.

"Pagod pero ng makita kita biglang nawala parang magic!"

Napabuga siya ng hangin. Kung meron man nagbago rito ay iyun lalong lumala ang pagkasaltik nito. Pero iyun ang minahal niya para rito. She make him happy.

"Okay.."

Tuwang-tuwa ito na yumakap sa kanya patagilid at pinatakan niya ng halik ang nuo nito habang lulan na sila ng elevator.

"Kamusta na ang pakikipag-usap mo sa kanila?" tukoy niya sa madrasta nito at kay Bianca.

Ang masigla nitong ngiti ay unting-unti napalis. Nagkibit ito ng balikat. Sabay sila lumabas ng elevator ng bumukas iyun sa may parking area.

"Kinakausap naman ako ng stepmother ko pero parang hangin lang ako kay Bianca..tss," anito na may inis sa tono.

Siya na ang nagsuot sa helmet nito. "She must to thank you dahil sa kabila ng malaking kasalanan niya sayo pinatawad mo pa rin sila," aniya."Kung ako lang ang masusunod hindi mo na sila dapat iniugnay pa sa buhay mo lalo pa at hindi naman kayo magkadugo,"aniya.

Nakangiti na ito tumingala sa kanya. "Ang importante sakin ngayon na buhay pa ko..saka hindi maganda na gumanti pa sapat na sakin na sekretarya ko na lang siya ngayon. Wala siyang choice kung hindi sundin ako" anito na may ngisi na sa mga labi.

Tumango siya. May pagkasaltik may mabuting puso naman ito. That's why he lover her so much!

Magkatabi sila nakaupo sa concrete bench na nakaharap sa malinis na ilog. May iilan din magkasintahan,magkakaibigan at pamilya ang nakatambay doon at hinihintay ang paglubog ng araw.

"Nagbilang ako..ang bilis ng araw," maya-maya untag nito na sa unahan ang tingin.

May kung ano sumakal sa puso niya ng matanto ang ibig nitong sabihin. Humigpit ang pagkakaakbay niya sa balikat nito at hinapit niya ito upang mas lalo ito dumikit sa kanya nagpaubaya naman ito.

"Evelyn.."

Tumingala sa kanya ang dalaga. "Gusto kong makita kang umalis para sa huling pagkakataon," anito.

Tinitigan niya ang magagandang mga mata ng dalaga.

"Mas..mahihirapan ka..kung gagawin mo yun," saad niya.

Pilit na ngumiti ang dalaga sa kanya. "Kaysa naman bigla mo na lang ako iwan ng walang paalam..mas..masakit yun," anito sabay bura ng ngiti nito. Napalitan ng lungkot ang anyo nito.

"Mas..masakit din sakin ito,Evelyn..pero--"

"Shh..ayos lang hindi mo kailangan magpaliwanag..tanggap ko naman na. Saka huwag na lang natin gawin komplikado ang sitwasyon ito lalo pa at sa simula pa lang alam natin ng maghihiwalay din tayo ng landas," anito na pilit na pinasigla ang boses.

Masakit..masakit para sa kanya na makitang pinipilit nitong tanggapin ang lahat.

Pain. Iyun ang idinulot niya sa dalaga bago niya itong iwan.

Mariin niyang hinalikan ang nuo ng dalaga kasabay ng paglubog ng araw.

Ito ang hinding-hindi niya makakalimutan hanggang sa makabalik siya sa templo.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now