Chapter 1: Beat

84K 1.8K 325
                                    

#BHOCAMP8TC #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #BHOCAMP

Twitter: @MsButterflyWP

Instagram: @msbutterflywp

A/N: Enjoy sa mga magbabasa at sana ay may mahaba kayong pasensya dahil on-going ito kaya talagang mabibitin kayo. The more na ma-pressure ako the more na matatagalan itechi.

Anyways, thank you so much na susuportahan ito sa kasalukuyan kung saan ginagawa ko pa lang ito! Keep the hype up! Mang-inggit sa mga BHOCAMPER na hihintayin na naman matapos ito bago basahin :3 Hindi niyo rin ako matitiis :p

BTW, wala pa akong maisip na iba pang hashtag for this book kaya I'm open for suggestions <3 Ano sa tingin niyo ang magandang love team name para sa dalawang ito?

HERA'S POV

Sandaling huminto ako sa paglalakad at mariing ipinikit ko ang mga mata ko para magbilang hanggang sampu. Kailangan ko kumalma at i-tame down ang "princess attitude" ko para mapigilan ko ang sarili ko na punitin ang suot ko na damit na siyang dahilan kung bakit hirap na hirap ako na maglakad.

May disadvantage talaga ang pag attend sa mga kasal. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay kasal ng mga kababata at kaibigan ko. Sa dami kasi namin ay talaga namang kinakailangan ko ng bumili na separate na closet para sa mga pang-abay na bestida na nakolekta ko kasi sunod-sunod na ata silang nauubos dahil sa kakapana ng "love-freak" na si Kupido.

Nang sa tingin ko ay kalmado na ako ay nagmulat ako ng mga mata at nagbaba ako ng tingin sa suot ko. What a hassle. But I'm keeping this one in a special place hanggang hindi gumagana ang bisa ng sumpa.

Inangat ko ang damit gamit ng magkabila ko na kamay at sinimulan ko ulit na maglakad. Hindi ang sapatos ko na may mataas na takong ang problema dahil sanay naman ako na magsuot no'n. Ito lang talagang dress ko na kinakailangan kong suotin para sa kasal ng kababata at katrabaho ko na si Aiere sa ngayon ay asawa niya na na si Archer.

Sa totoo lang wala naman talaga akong karapatan na magreklamo. Ako naman ang nag volunteer talaga na maging maid of honor dahil sa "sumpa" slash "tradisyon" na mas matanda pa sa akin dahil pauso na iyon ng mga tao sa BHO CAMP noon pa man.

Since I grew up surrounded by the eccentricity of the people there, isa rin ako sa mga hindi naniniwala sa bagay na iyon. Ang sabi kasi kung sino daw ang magiging maid of honor sa kasal ng isa sa amin ay siyang susunod na ikakasal. Wala naman akong pakielam doon dati. Hindi rin ako naniniwala.

Ang dami kong hindi pinaniniwalaan noon na ngayon ay kinakapitan ko na kahit sa pinakamaliit na bagay. Ganoon siguro kapag nagmamahal ka. Lahat paniniwalaan mo para lang masabi mo sa sarili mo na mag wo-work out ang relasyon na binubuo niyo. O gusto mong buuin.

Suffice to say, dahil sa likas na pagiging pakielamera ko sa buhay pag-ibig no'n ni Aiere ay pinagbigyan niya ako na maging maid of honor niya. Her wedding was one of the most beautiful wedding I have ever seen aside from my very very best friend, Athena. Buti nga waterproof ang make-up ko dahil talagang bumuhos lahat ng luha na nakaimbak sa katawan ko habang pinapanood ko sila kanina.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now