Chapter 34: Distance

28K 926 81
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

HERA'S POV

"We don't really need to go."

Kasalukuyan kong kinakabit ang hikaw ko habang nakaupo sa tapat ng vanity mirror ko. Tumingin ako sa repleksyon kung saan kita ko si Thunder na kasalukuyang nakahilata sa kama ko at nagpipindot sa cellphone niya.

"Nah. We should." he said, looking up from his phone. "Mauubusan na tayo ng rason sa mga 'yon."

Pinaikot ko ang mga mata ko at umikot ako para sa pagkakataon na ito ay nakaharap na ako sa kaniya. "We're going to celebrate Ocean's anniversary...with his chef's knife. Kahit siguro sabihin natin na may date tayo sa outer space, maiintindihan tayo ng mga kaibigan natin. Besides you can't even drink yet."

Natatawang binaba ng binata ang cellphone at umupo. Kanina pa siya nakahanda dahil simpleng hoodie at pantalon lang naman ang suot niya. I'm a woman. I have an excuse to pamper myself.

"I don't need to drink. Sinasamahan pa rin naman kita noon kahit hindi ako pwedeng uminom." pangangatwiran niya. " Saka parang hindi ka na nasanay sa mga 'yon. Last week nga nag-aya sila Chlymate kasi i-ce-celebrate daw nila ang birthday ng isa sa mga guest na nakita nila sa Craige na binigyan ng birthday cake. They don't even know the dude and they didn't even invite him."

Bumubuntong-hininga na tumayo ako mula sa kinauupuan. Wala na rin naman akong magagawa dahil nagsabi na kaming pupunta kami. Baka sugudin pa kami ng mga 'yon dahil ilang beses na namin silang pinagtataguan.

Pinasadana ko ng tingin ang sarili ko sa full-length mirror ko na nasa isang panig ng kwarto. I'm wearing one of my little black dress. It's a dress with a mesh neckline, bodycon fit, with the hem a few inches above my knee. Right. Maybe a couple of inches if I'm being honest.

"Hmm."

Nanatili lang akong nakatingin sa salamin kahit na nakita kong lumapit si Thunder at tumayo sa likuran ko. I felt his breath on my neck and his hand on my hip.

Bumaba ang kamay niya sa laylayan ng damit ko, "This is quite short."

"Tayo-tayo lang naman."

"Pero may ibang makakakita."

Humarap ako sa kaniya at sinalubong ko ang mga mata niya, "Ikaw lang naman ang makakakuha."

It should sounded flirty...or a little bet sexy but instead my words sounded irritated. Napabuntong-hininga ang lalaki pero hindi ko iyon pinansin at sa halip ay umalis ako mula sa pagkakahawak niya at lumapit ako sa bedside table kung saan nandoon ang bag ko.

I know he can feel my frustration from the few weeks that passed. Pero wala sa aming dalawa ang pinag-uusapan ang bagay na iyon. Paano mo naman kasi bubuksan ang gano'ng usapin?

BHO CAMP #8: The CadenceKde žijí příběhy. Začni objevovat