Chapter 11: Gravity

33.2K 1.1K 132
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Guys punta kayo sa Meet & Greet ko this August 17 sa Quezon City <3 1PM - JRich Bldg, #16 Sto. Domingo Ave (Katabi niya lang talaga ang Sto. Domingo Church). Bukod sa freebies ipaparaffle din namin ang first book ng BHO na His Secret Agent Pretend Wife kaya sana makapunta kayo. Available rin sa venue ang mga libro ng BHO CAMP <3

I posted the event link on my profile here in Wattpad para malaman niyo pa ang ibang detalye <3 See you guys!


HERA'S POV

Naririnig ko ang mga mahihinang usapan sa paligid ko pero nanatiling tutok ang mga mata ko sa binabasa ko. Bawat detalye hindi ko pinapalagpas dahil isang huling galaw lang ay paniguradong mawawala na sa mga kamay ko ang pagkakataon na nakahain sa harapan ko. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng matalo.

Nagtagis ang mga ngipin ko nang makita kong mas tumaas ang mga numerong binabantayan ko. Talagang hindi sila nagpapaawat. Pwes kung akala nila mapapatumba nila ako, nagkakamali sila. Mabilis na umatake ako at sinuguro kong hindi nila basta matatapatan ang pinananggalang ko.

Kagat ang ibabang labi ko habang nakatingin sa mga numero habang buong katawan ko ang tensyonado sa pag-iintay sa mga susunod na magaganap. Halos magkasimbilis na ang tunog ng paghinga ko at ng dumadagundong kong dibdib habang hindi kumukurap na nakatingin sa hawak ko.

Saktong paggalaw ng mga numero ay naramdaman kong may tumapik sa akin ng malakas dahilan para mapapitlag ako at lumuwag ang pagkakahawak ko sa cellphone ko na lumikha ng tunog ng bumagsak iyon sa sahig. Dahan-dahang nag-angat ako ng mukha at nakita ko roon si Athena na naniningkit ang mga matang nakadirekta sa akin ang tingin. "Earth to Hera, kanina pa kita tinatawag."

"Omg ka." Hindi makapaniwala na nagmamadaling kinuha ko ang cellphone ko. Malakas na na napasinghap ako nang makita ko ang pulang mga salita sa screen ng cellphone ko. "Omg ka talaga! Athena!"

"What?"

"That limited edition Hermes scarf I was trying to buy is now sold out! Kahit si Heart Evangelista wala pa no'n!"

Namewang siya habang halos wala ng makita sa mga mata niya sa tindi ng paniningkit ng mga iyon. "Hera. This is not the time."

I pouted and flipped my hair before turning to the other agents that are now looking at me. Bukod kasi sa amin ni Athena ay nandito rin ang asawa niya, si Dawn at Triton, Aiere, at si Freezale. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang gusto nila akong itapon palabas ng kwartong kinaroroonan namin.

"This is the perfect time. I'm stress so I need retail therapy." I said to them as I started scrolling on my phone again.

"This is not a hotel room, Hera. Kung gusto mong gawin ang ginagawa mo you can go and leave us here." sabi ni Dawn.

BHO CAMP #8: The CadenceOn viuen les histories. Descobreix ara