Chapter 19: Cuff

24.3K 910 76
                                    


#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Enjoy the flashbacks guys dahil marami 'to. #SaFlashbacksLangMasaya

HERA'S POV

A few years ago...

Hinihingal na nananatili akong nakahiga sa mat kung saan nilampaso ako ng kapatid ko na si Hermes. I was an inch close to winning but I failed doing it because I got distracted. Worth it naman at least nasilayan ko ang irog ko.

"Tumayo ka na diyan."

Naramdaman ko ang mahinang pagsipa ni Kuya Hermes sa binti ko. Inalis ko ang braso ko na nakatakip sa mga mata ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin. Dahil sa kaniya nasira ang pagpapa-cute ko. Napahiya ko pa ang sarili ko kasi nakipag face to face ako sa sahig.

"Mamaya na. Nag-iisip pa ko."

"Kung paano ka makaka-move on sa pagkatalo mo?" tanong niya.

"Hindi. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Papa na inapi mo ko." Pagkasabi no'n ay tumayo ako at binelatan ko siya. "Isusumbong kita pumapatol ka sa mas bata."

"Right."

"At babae."

Pinaikot ni Kuya Hermes ang mga mata niya. Alam naman kasi naming pareho na wala lang ang mga sinabi ko pagdating sa BHO CAMP. Kahit pa sa mga magulang namin na dating agents. Kung ordinaryo lang siguro kami na mamamayan baka nabato na ng kamatis at itlog si Kuya ng taong bayan. Iyon nga lang dito sa BHO CAMP walang pakielam ang tao kung babae ka man o lalaki. Kahit kasi babae kayang mambalibag ng di hamak na mas malaki sa kaniya na tao kung gugustuhin niya.

"Isusumbong din kita kay Mama. Piningasan mo ang napaka-gwapo niyang anak." sabi ni Kuya na kasalukuyang hinihilot ang nasaktan niyang panga. Nasiko ko kasi siya roon kanina habang nag i-i-sparring kami.

Lumapit ako sa kaniya at pinalambot ko ang ekspresyon ko na para bang guilty ako sa nagawa ko. Inangat ko ang kamay ko na akmang hahaplusin ang nasaktang panga ng kapatid pero imbis na iyon ang gawin at tinampal ko lang ang mukha niya ng malakas.

"You witch!"

Muli ko lang siyang binelatan bago tatalon-talon na sinundan ko ang taong nahagip ng mga mata ko kanina. Diniretso ko ang pinakadulo ng training area at kumaliwa ako sa kung saan natanaw ko siya kanina na lumiko.

Napahinto ako nang makita ko ang hinahanap na kasalukuyang nakaharap sa vendo machine at mukhang nag-iisip pa kung anong bibilin. Sumilay ang mga ngiti sa labi ko at sandaling pinagmasdan ko siya. Bakit ba ang gwapo niya? 'Yung para bang sa sobrang gwapo niya wala ng babagay na babae sa kaniya.

"Maliban sa akin siyempre." bulong ko sa sarili.

Ngiting-ngiti na lumapit ako sa kinaroroonan niya at tumayo ako sa likuran niya na para bang pumipila. Kahit na ang totoo ay nilalanghap ko lang ang pabango niya. Ano kayang pangalan ng pabango niya? Para makabili ako ng isang truck.

BHO CAMP #8: The Cadenceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن