Chapter 38: Team Night

25.6K 1K 248
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamNight #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamNight #BHOCAMP

HERA'S POV

Nararamdaman ko ang mga matang nakatutok sa akin pero hindi ko sila magawang pagtuunan ng pansin. Patuloy lang ako sa pagpapalakad-lakad na para bang makakatulong iyon para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko.

"Do we have enough baby formula? Wipes? Cottons? Diapers?" Napatigil ako nang may maisip. "Omg. I totally forgot the baby dishwasher soap."

"Got it!"

Mula sa kusina ay sumilip si Thunder na itinaas ang tinutukoy ko na bagay na para bang tropeyo iyon. Hindi lang naman ako ang hindi mapakali. Kanina pa rin siya siya takbo nang takbo at inuullit i-check ang mga pinamili namin last week pa.

"Laundry detergent for babies?"

Matulin na tinungo ni Thunder ang kinaroroonan no'n at inangat din iyon, "Check!"

"Is the sterilizer working?"

Ibinalik ng binata ang mga kinuha niya at pagkatapos ay pumunta ulit siya sa isang panig ng kusina kung saan tanaw ko siya, "Check!"

"Nappy cream?"

Lumabas siya ng kusina at tumakbo paakyat sa second floor ng kinaroroonan namin na villa. It's one of the family villas that BHO CAMP give to the agents that are married or having a baby. Malayo ang mga villa na ito sa pinapagamit sa mga guest para na rin hindi makaistorbo ang mga iyon sa magpapamilya. Though some agents have houses outside of BHO CAMP katulad nila Athena. Iyon nga lang kalaunan ay nagiging vacation house na lang iyon. Lahat naman kasi kami gustong manatili sa BHO CAMP. There's no place like home than here.

Hindi ko na nga matandaan kung kailan huling nag stay si Athena sa bahay nila. After the endless search for the perfect home in the end sa BHO CAMP pa rin talaga. Iba kasi talaga ang lumaki sa lugar na ito. We're all surrounded by family. Kaya bakit pa namin kailangan umalis lalo na at nandito ang trabaho namin? Unless of course we retire and finally move out. Still...this place will be forever our home.

"Check!" sigaw ni Thunder mula sa itaas.

"That squish-squish thingy?"

"What?!"

"That squish-squish for the nose!" Rinig ko ang paghahalughog ni Thunder sa taas. Ilang sandali na nananatili siya roon pero hindi pa rin niya kinukumpirma kung naroon nga iyon. "Babe!"

"I don't know what a squish-squish is." he said when he peek downstairs to look at me. "You need to be more specific than that."

"It's a saline solution."

Nilingon ko si Athena na siyang nagsalita. Prenteng nakaupo siya sa sofa at naka dekwatro pa. Sa isang panig niya ay naroon ang inaanak ko na si Ainsley na kaparehas na kaparehas ang pusisyon sa nanay niya. Sa kandungan nila ay prenteng natutulog si Luna at Solis. Si Luna ay na kay Athena habang si Sol ay hawak ni Ainsley. The twin babies on the other hand are with Fiere and Aiden na naririnig kong nasa labas ng bahay.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now