Chapter 35: Orbit

26.3K 959 159
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

HERA'S POV

Hindi ko pinansin ang nararamdaman na paggalaw sa tabi ko. Nananatiling nakatutok ang mga mata ko sa iisang direksyon. Hindi ko alintana ang init na tumatama sa akin at sa semento kung saan ako nakadapa.

Focus is the most important thing in the job. Hindi lang dahil sa kinakailangan iyon para sa misyon kundi para na rin magawa naming malagpasan ang proseso para matapos iyon. We're always out, never minding the elements that we need to face. Kesohadang parang mag e-end of the world na sa paligid kailangan pa rin naming gawin kung ano ang ibinigay sa amin na trabaho.

"Shit. I think my balls are cooking."

Pinigilan ko na gumalaw at nanatili lang ako sa kinaroroonan ko. Hindi lumilingon na nagsalita ako, "Shut up."

"Bakit kasi ang aga natin? Bakit hindi na lang tayo pumunta kahit thirty minutes before the meet? We've been here for two hours already."

"Adam, if you don't shut up I will castrate you and cook your balls for real."

Hindi ko kailangan makita ang lalaking katabi ko para malaman ang ngiwi sa mukha niya dahil maging ang mga agent na konektado sa listening device na suot namin ay narinig ko ang mahinang pag-ungol na akala mo ay pisikal silang nasasaktan. Most of the reactions were from men. Go figure.

"Mainit na naman ang ulo ng prinsesa mo."

Sa pagkakataon na ito ay nanggaling ang boses na iyon sa iba namin na kasama. I stopped myself from rolling my eyes. "Shut up, E. Go to sleep."

"Don't!" someone hissed. Si Nyx malamang. "I swear, ibubuhos ko 'tong hawak ko sa'yo."

Hindi ko sila kinakailangang hanapin para malaman kung anong ibig sabihin ni Nyx. I can hear the silent buzzing from their end. Nasa isang coffee shop sila sa baba ng building na katapat ng kinaroroonan ko.

"Shut up guys." I said again.

"Ang ingay mo kasi." mahinang bulong ni Nyx.

"Ikaw kaya."

"Guys."

Humigpit ang hawak ko sa sniper rifle na hawak ko nang marinig ko ang boses ni Thunder. He's been awfully quiet since the mission started. Gusto kong sabihin na iyon ay dahil nasa loob siya ng gusali kung saan location iyon para sa misyon namin ngayon. But I also know that it's not just the reason.

He's been that way for days now. Magkasama kami, nag-uusap, pero palaki nang palaki ang distansiya sa pagitan namin na noon ay kinukumbinsi ko ang sarili ko na imahinasyon ko lang.

And I'm scared. I'm really scared. Ayokong tanggapin na may problema. Ayokong isipin lahat ng mga bagay na kinakatakot ko kasi hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang totoo. Dahil alam ko na lahat iyon...lahat iyon hindi ko kakayanin kapag nangyari.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now