Chapter 26: Road

29.8K 851 111
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Hi guys! I hope okay lang ang mga BHOCAMPER natin na nakatira sa Batangas at sa malalapit na lalawigan. Keep safe guys! Same goes for the pips in Cebu <3

Just want to take this opportunity din to thank the people in Iloilo, specially Wattpaders Iloilo Chapter, para sa warm welcome na natanggap namin nang magpunta kami ro'n nitong January 17. Thank you din sa mga nakilala namin sa event <3 Sa uulitin! Lablab <3

HERA'S POV

Kanina ko pa nararamdaman ang mabibigat na mga tingin sa akin pero pilit kong iniignora iyon. Alam ko naman na walang ibang panggagalingan ang mga iyon kung hindi sa mga agent na ngayon ay nasa paligid na nagpapanggap na may kaniya-kaniya silang ginagawa. Kahit alam ko naman na binabantayan lang nila ako.

Nagpatuloy ako sa ginagawa kahit pa sabihin na hindi madali iyon. Pakiramdam ko kasi ay palabas ako sa telebisyon na adik na adik silang panoorin.

Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila pero ano ba ang ineexpect nilang gawin ko? Alisin ang hoist ng sasakyan kung saan nasa ilalim ako para bumagsak sa akin iyon? O kaya maligo ako ng gasolina at silaban ko ang sarili ko?

I was just silently minding my own business by repairing this car. Isa kasi ang sasakyan na ito sa napakaraming mga sasakyan ng mga agent na dahil sa mga misyon na kinuha nila ay nagkaroon ng damage. Usually hindi ako pumupunta rito dahil hindi ako mahilig magkutinting ng sasakyan. Saka ayoko ng mga gawain na magaganitan lang ako sa huli. But for some reason this seems to be almost therapeutic. To fix something that is broken.

"Kanina pa siya diyan. Okay lang ba siya?"

"Hindi ko nga rin alam. Hindi pa 'yan kumakain mula kanina. Tatawagan na ba natin si Hermes?"

Napabuntong-hininga ako nang maulinigan ko ang mga bulungan na base sa pamilyar na boses ay nanggagaling sa isa kambal na Wright at kay Chalamity na nakita ko kaninang umaaligid-aligid sa akin. Mukhang pinipilit nilang hindi itago ang pag-uusap sa akin base na rin sa hina ng boses nila pero dahil tahimik ang kinaroroonan namin at hindi naman sila malayo sa akin ay hindi naging mahirap sa akin na marinig ang sinasabi nila.

"Pagkain? Pagkain ba ang kailangan? Ocean to the rescue!"

"Wag kang maingay- Hoy saan ka pupunta?"

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga at bago pa tuluyang makalapit ang mga yabag na tila tinutumbok ang direksyon ko ay tinulak ko na palabas ang kinahihigaan ko na mechanic's creeper. Mukhang hindi inaasahan iyon ng taong palapit sa akin dahil naramdaman kong tumama ang isa niyang paa sa creeper dahilan para mawalan siya ng balanse.

Isang malakas na galabog ang nilikha ng taong iyon na walang iba kundi si Ocean nang mawalan siya ng balanse dahil sa pagkakabangga ko at plakdang napatumba siya sa sahig. Napangiwi ako habang tinitignan siya pero imbis na bumangon siya ay nananatili siyang nakahiga habang naka-stretch ang mga kamay niya sa taas niya. Sa sumunod na sandali ay nalaglag sa mga kamay niya ang isang puting tupperware na mukhang naihagis niya dahil sa tangkang pag-iwas sa akin kanina.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now