Chapter 37: Rock star

33.5K 1.1K 230
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #BHOCAMP

HERA'S POV

Inilapat ko ang isa kong kamay sa salamin na nasa harapan ko habang nakatingin sa kabilang bahagi no'n. I can't help but feel sad while looking at them. If the world is not cruel and everything is just perfect, siguro hindi ko sila makikita sa ganitong pagkakataon. They'll be probably creating ruckus around their home with their parents. Siguro isa sa kanila Taal na talaga ang magiging pangalan kasi paniguradong makakahanap ang tatay nila ng paraan para pilitin ang nanay nila.

But the world is not perfect. I just hope I can try and make it that way for them. Kami ni Thunder.

Beatrice Grace Herrera died during childbirth. Ang sabi ay nagawa niya pang makita ang mga anak niya bago siya tuluyang biniwian ng buhay. They tried to find any relative but there's none. Dahil tama si Beatrice. Her husband, Thomas Herrera, died during the volcanic eruption.

It felt like I was destined to find them. Marami akong maaaring matulungan sa araw na iyon pero si Beatrice pa ang nahanap ko. Maaari rin na hindi ko mapansin na may tao sa bahay na iyon pero tumuloy pa rin ako at nakita ko siya. At kung tutuusin hindi ko naman dapat mababasa ang report tungkol sa mga biktima kung hindi lang ako pumunta sa control room nang minsan na naman akong takbuhan ni Thunder para maiwasan na may maganap sa amin. Thn Freezale told me that a report came back about the victims we saved and I asked her if I could see it.

Maybe in some way, in her way, Beatrice was still trying to do right for her children. I want to believe that. That she will want me to have her babies. These precious little angels.

We'll take care of them. I promise.

Nagbaba ako ng tingin sa papel na nakadikit sa mga tinutulugan nilang bassinet. May nakasulat doon na mga pangalan.

Vulcan, Haze, and Ashfall.

Napalingon ako sa kanan ko nang maramdaman kong may lumapit sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Thunder na saglit na tumingin sa mga baby sa harapan namin bago nakangiting binaling niya sa akin ang atensyon niya.

"I wish we can take them home now."

Akala ko hindi niya maiintindihan ang gusto kong mangyari. Before we even talk about it at the hospital, I was already thinking about what will happen in the future. Paano ang sakit na meron siya at kung handa ba akong harapin ang katotohanan na maaari namin iyong maipasa kapag nagbuntis ako. It's not like we can choose the gender of our baby. Hindi naging mahirap sa akin para dumating ssa konklusyon tungkol sa adoption.

I grew up having an adopted brother. Walang pinagkaiba ang relasyon na meron kami katulad sa relasyon ng mga magkakapatid na nakasama namin sa BHO CAMP. He's my brother. Simple as that.

"I know. I want that too." I said with a smile. "Pero mabuti na rin ang ganito. Para magkaroon tayo ng oras para ayusin lahat ng bagay na kailangan. Besides they already waved a lot of things for us."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now