Chapter 12: Home

31.1K 1K 57
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: DISCLAIMER. I am not in any way claiming that I'm well knowledgeable based on the medical discussion I'm going to try to explain on this chapter and it will be solely relying on research. So if you find it lacking or there's mistakes you want to point out just comment below <3

To add to that, Thunder's condition is also a fictional disease and does not exactly conform to any real life medical situation.

Never ko pa kasing napaliwanag ang sakit ni Rain kasi si shortcut ako noon :3

HERA'S POV

Tahimik ang lugar at walang makikitang agent sa kahit saan. Kaya malaya kong magagawa ang gusto kong gawin. Nagpatawag kasi ng meeting si Dawn para sa buong headquarters. Meeting na hindi ko pinuntahan.

Ayokong...ayokong humarap sa kahit na sino. Ayokong makausap ang kahit na sino sa kanila. Gusto ko lang mapag-isa kahit saglit lang. I locked myself away for days for me to have the time that I needed. Away from everyone...and specially from him.

Ayokong makita niya ako na ganito. Ayokong makadagdag sa paghihirap na alam kong nararamdaman niya. Kasi kung may isang bigay na lubos siyang nahihirapang makita ay iyon ang masaktan ang mga tao sa paligid niya. Kaya gusto ko kapag humarap ako sa kaniya kaya ko ulit ngumiti. Kaya kong magpanggap na parang hindi pinipiraso-piraso ang puso ko sa sinabi niya.

I only have months left, Hera.

I know that there's a limit on his time. I know that his heart can reach its end any moment. I know that I'm bound to lose him. Alam ko lahat iyon pero hindi ko akalain na ganitong kaaga. Hindi ganitong kabilis. Kasi akala ko may oras pa ako para makasama siya.

Tinanggap ko naman eh. Tinanggap ko na kukunin siya sa'kin. Pero bakit sobrang unfair? Bakit hindi man lang kami mapagbigyan kahit konti pa? Bakit naman saglit lang?

I only have months left, Hera.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang parang malakas iyon na musika na pumipintig sa tapat ng mga tenga ko. Those words haunted me for days. Paulit-ulit kong naririnig kahit hanggang sa pagtulog na para bang kahit hanggang doon ay ayaw akong tantanan ng katotohanan.

Nang muli akong magmulat ng mga mata ay pilit na pinokus ko ang atensyon ko sa mga nasa harapan ko. Humakbang ako papasok sa kwarto at inilibot ko ang paningin sa mga nakakalat na kagamitan. Halatang may ginagawa pa sila bago sila umalis.

Test tubes after test tubes, microscope slides thrown everywhere, syringes, papers stacked on every table, at kung ano-ano pang mga kagamitan ang sumalubong sa akin. The place looks busy.

Lumapit ako sa isang desk at kinuha ko ang isang papel na nakapatong doon. I scanned it and afterwards I put it back. Tinignan ko pa ang laman ng ibang mga papel pero walang pinagkaiba iyon sa mga nauna.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now