Chapter 16: Damage

26.8K 1K 125
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Baka i-update ko ito ulit instead of Dagger but we will see. Hindi rin madali sa akin isulat siya to be honest dahil sa mga nangyayari sa storya :3 But paytiiing to us. Malayo pa ang lalakbayin nating lahat <3

HERA'S POV

Naramdaman ko ang pagbalot ng init sa kamay ko nang may humawak do'n. Napakurap ako mula sa pagtitig sa pintuan kung saan ipinasok si Thunder. Hindi ko na alam kung gaano akong katagal na nanatili doon at naghihintay. Maging ang pansinin ang mga nangyayari sa paligid ko ay hindi ko magawa dahil nanatiling doon lang sa pinto ng operating room nakapako ang buong atensyon ko. Ang alam ko lang ay ang madilim na langit ay maliwanag na ngayon sa labas.

Everything seems so fast. When Thunder went down, it was like my world stopped. Like my heart stopped with him. Pakiramdam ko mabilis ang naging pagtakbo ng mga pangyayari sa paligid ko habang ako ay nananatiling nakatulos sa kinatatayuan ko at tinitignan ang lalaking mahal ko na binubuhat ng sarili niyang mga kabanda.

"You're bleeding."

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Athena at umiling ako. "Okay lang ako."

Imbis na lumayo ay muli lang hinawakan ng babae ang kamay ko at nang magtangka ako ulit na bawiin iyon ay hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. Sapilitan na binuksan niya ang nakakuyom kong kamay. Nagdudugo iyon dahil sa mga kuko ko na bumaon na ro'n.

Pero hindi katulad noon na hindi ko magawang maramdaman iyon ay sa pagkakataon na ito ay iyon lang ang nagpapanatili sa akin sa kasalukuyan. Dahil wala na akong maramdaman maliban sa sakit na lumalamon sa akin dahil sa nangyayari kay Thunder. Para bang nilulunod ako no'n at ang tanging nagpapanatili lang sa akin na iangat ang ulo ko ay ang sakit na isinesentro ko sa ibang bagay. Sa ibang parte ng katawan ko at hindi sa puso ko na para bang nadudurog.

Nagtagis ang mga bagang ko nang maramdaman ko ang paghapdi ng palad ko nang may ilapat doon na kung ano si Athena. Nanatili siyang nakayuko lang at tutok na tutok sa ginagawa. Nang matapos siya ay binalutan niya ang kamay ko nang gauze at siniguradong maayos na iyon bago siya nag-angat ng tingin sa akin.

Sandaling nakatingin lang ang babae sa mukha ko bago siya may hinalughog sa dala niyang paper bag. Naglabas siya ro'n ng wipes at kumuha ng isang piraso.

"Your make-up." simpleng paliwanag niya.

Marahan niyang pinunasan ang mukha ko habang ako ay nakatingin lang sa kaniya habang siya ay nakatuon ang mga mata sa sariling kamay. Kaya kitang-kita ko nang mapuno ng luha ang mga mata niya na pinipigil niya lang na huwag bumagsak.

"Don't." I said, my voice breaking. Hindi ko kaya ngayon. Ayokong makita mula sa kanila ang lungkot kasi hindi ko pa kayang tanggapin. Hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko na maaaring ang lahat ng nagdaan na mga araw ay huli na.

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon