Epilogue

30.3K 1K 51
                                    

#BHOCAMP8TC #TeamNight #TheRealEpiliogue #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #TeamNight #TheRealEpiliogue #BHOCAMP

HERA'S POV

Dahan-dahan na nagmulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagalaw ng mga brasong nakapalibot sa akin. Inangat ko ang mukha ko at ang mga mata ni Thunder na masuyong nakatingin sa akin ang unang sumalubong sa akin.

Bahagya niyang pinalis ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa pagkakatali at inipit niya iyon sa likod ng tenga ko.

"We're here." he murmured.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Madilim na ang kapaligiran dahil late na rin natapos ang party. Naiwan ang triplets kay Tita Wyn- right, Mama Wynter. They assured me that the babies would be fine. Tutulungan din sila nina Mama at Papa. But to be honest, I wasn't worried. I know that they will take care of our triplets. And Thunder's mother raised triplets herself. I know they'll be fine.

"Nasaan tayo?"

Imbis na sagutin ang katanungan ko ay binuksan na ni Thunder ang pintuan at lumabas. Inalalayan niya ako lalo na at suot ko pa rin ang wedding gown ko.

I huffed in exhaustion when I finally managed to get out. Mahigpit na nakahawak ako sa kamay ni Thunder at hindi ako bumitaw hanggat hindi ako nakakatayo ng maayos. Naglaho na ata lahat ng equilibrium sa akin dahil sa kakasayaw ko kanina.

My eyes went to my husband when I heard his low chuckle. "What?" I asked.

"Nothing. I'm just wondering how hard will it be to take off that dress."

Kaagad nag-init ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Sa kabila no'n ay hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kaniya. Thunder has a very expressive eyes. He's good at controlling his emotions but when he wants you to know, you'll see it instantly.

Pagtikhim ng kung sino ang pumutol sa tila mahikang nag-uugnay sa amin ni Thunder. I forced myself to look away and I felt the heat warming my face again when I saw Adam. Nakatayo siya sa tabi ng mga maletang mukhang binaba niya galing sa trunk ng kotse.

He's the designated driver for tonight. Or today. Madaling-araw na panigurado. Nagpresinta siya na siya na ang maghatid sa amin ni Thunder sa kung saan man kami naroon ngayon para magawang ibalik ang sasakyan sa BHO CAMP.

"I need to get back to the headquarters." pagbibigay alam niya. "I have a schedule in the afternoon and it's already four in the morning."

Right. Sa pagkakatanda ko may mission pa siya. Dawn is giving him another chance to retake his junior agent test. Ang alam ko gusto ni Adam na manatiling trainee pa but everyone knew that he's capable enough to be an agent. Nagkamali siya sa naging misyon namin noon pero hindi naman kailangan na patuloy niyang parusahan ang sarili niya.

"Sinong kasama mo sa misyon bukas?" tanong ko sa kaniya.

"Si Sky, Adonis, at Phoenix."

"You need to listen to them. Kay Adonis at Phoenix to be exact. Sky usually go rogue but she can handle herself. You don't have the liberty to do that yet."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now