Chapter 3: Crepuscular

46.6K 1.3K 91
                                    

#BHOCAMP8TC #TeamMasokista #HeDer #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #TeamMasokista #HeDer #BHOCAMP

A/N: Bear with me people. Isa-isa munang update dito at sa Dagger Series habang hindi pa ready na ready ang "surprise" ko sa inyo. Gift ko sa lahat ng sumubaybay sa BHO CAMP mula sa pinakaumpisa. Since lagi niyo rin naman hinihingi sa'kin ang bagay na 'yon hahaha!

For now, absorb niyo na lang muna ang mga moment ng Hera x Thunder natin. Feel free na makipagkulitan (at makipadramahan) sa amin sa Twitter. I usually retweet and reply so just use the hashtags :*


HERA'S POV

Kagat-kagat ang kutsara na kanina ay hawak ko ay umangat ang kamay ko para ilipat sana ang pahina ng mga papel na nakapatong sa ibabaw ng kama kung saan ako nakaupo. Iyon nga lang ay may kamay ng mahinang tinampal ang kamay ko para hindi ko magawa ang balak ko.

"Ang bagal mo naman magbasa." reklamo ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

Hindi man lumilingon si Thunder na nagpatuloy lang siya sa pagbaba ng file na binigay sa kaniya ni Dawn kanina. "Mission ko 'to. Kumain ka na lang diyan."

"Sus. Sa'yo lang binigay pero hindi ibig sabihin ikaw lang. Kasama kaya ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya pero hindi na siya sumagot at nagbasa na lang. Wala na rin naman siyang magagawa dahil matagal na akong desidido na lahat ng mission na kukunin niya ay sasama rin ako. Sinabi ko na rin kay Dawn at Triton iyon noon at napapayag ko naman sila. Kaya kahit sa mga sitwasyon na katatapos lang ng misyon ko ay may kinakailangang gampanan na trabaho si Thunder ay tumutuloy pa rin ako kahit gaano ako kapagod.

Kung sa akin na nasa maayos ang kalusugan ay napapagod sa mga gawain namin paano pa siya? Kung pwede nga lang na hindi na lang siya magtrabaho. Kahit ang banda na lang muna ang asikasuhin niya.

If I'm going to die because of a mission then it wouldn't be so bad right? At least I died doing something I love. Sinabi niya ang mga salitang iyon sa akin dati. Looking back, wala rin akong nasagot sa sinabi niya. Dahil naiintindihan ko siya. Kahit sobrang pressure at stress ang nakukuha namin sa trabaho na ito alam kong hindi magiging madali kung dadating ang araw na kinakailangan kong bitawan ang pagtatrabaho bilang agent.

Naiintindihan ko siya pero at the same time gusto kong magalit sa kaniya noon. Kasi pakiramdam ko wala siyang pakielam sa kung anong mangyayari sa kaniya. But I know how wrong I am. Hindi rin madali para sa kaniya ang mga nangyayari. Hindi niya rin gusto ang nangyayari.

Kaya kahit anong gawin niya hinahayaan ko lang siya. Basta nasa tabi niya lang ako. Basta nakakasama ko lang siya. Basta pwede ko siyang mahalin.

I remember telling Aiere something about this when she and her husband was still in the midst of their issues. Carpe Diem. Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan mo makakasama ang tong mahal mo. So instead of stopping yourself from loving someone that might leave you one day, just live the best out of the time you have with each other. Para wala kang pagsisihan.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now