Sypnosis

50.4K 1.1K 191
                                    

Mahirap kung kailangan mong pumili sa dalawang bagay na parehong importante sayo. Kailangan may isakripisyo, para maisalba ang isa.

Ang akalang magandang panaginip ni Raven ay nauwi iyon sa isang masamang bangungot. Pero sa sitwasyon na ito ay hindi na niya alam kung makakabangon pa ba siya.

Ang kaisa-isang taong mahal niya ay kinamumuhian siya ngayon. Ang pagkamuhing sapat para mawala ang nararamdaman nito para sa kanya at makahanap ng iba.

Akala niya, kahit gaano kalaking mali ang magagawa niya ay matatanggap uli siya, pero doon siya nagkamali. Umasa lang siya sa maling akala.

Paano maibabalik ni Raven ang pagmamahal na nawala at hindi na niya mahawakan? Paano niya aangkinin ang pusong dating pagmamay-ari niya, na ngayon ay pagmamay-ari na ng iba?

Kakayanin pa ba niyang lumaban, kung wala na siyang maipaglalaban?

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon