Death 🔸 37

16.6K 1K 348
                                    

PS: It's a praaaaaaaaaank!😂

Raven's POV

PARANG ulan na nagsibagsakan ang mga luha ko ng makita ko si Vander sa harap ko na nakaluhod. Kahit isipin ko na nadapa lang siya o natalisod kaya napaluhod siya ay hindi ko magawang isipin.

Para akong tuod na nakatayo habang nakatakip sa bibig na lumuluha.

"Baby..." usal niya sa akin na alam ko na dinig na dinig ng lahat dahil walang musika at nag-iingay sa paligid. Lahat ay nakatingin at nag-aabang sa kung ano man ang mga mangyayari. "You know I already told you how much I love you and how I need you in my life. Before, I never thought that a man can be beyond happy. I thought I already was and contented with my life...and there, I found you. You change everything for what I believe in. You made me the man that I never was. You made me believe that forever do exist. You are the only person who can make me smile with just a single glance...and you are the same person who can break me in just a single word." His eyes are teary but he's smiling. "I want the world to know how much you mean to me. I want to tell the world that you are the only woman that I want to spend the rest of my life with. I want to ask you once again, in front of this people, in front of the world who will witness our love. Raven, my baby...Will you marry me?"

Napatili ang mga nanonood at kahit engage na kami ay para parin akong tanga na nasurpresa at kinikilig. Hindi ko alam na gagawin niya ito. Nakakahiya sa nagbibirthday! Pero iisipin ko pa ba iyon, ngayon kilig na kilig na ako dito?

"Yes. I will marry you!" Masayang sagot ko sa kanya at napahid ko ang luha ko. Kasabay nun ay nagsiputokan ang mga fireworks sa kalangitan at maraming nga lantern na lumipad. It was the best view I've seen.

Agad na tumayo si Vander at hinalikan ako. Nilunod ng palakpakan ang paligid. Niyakap na niya ako ng mahigpit ang nagsimula na ulit an tugtog.

"Nakakahiya Vander. Inagawan mo ng eksena ang nagbibirthday." Nakangusong saad ko sa kanya habang yakap yakap niya ako.

Mahinang tumawa naman si Vander. "It's no one's birthday, baby. I just told you that excuse so you won't suspect anything." Sagot naman niya sa akin.

I rolled my eyes. Kung anu-ano na lang ang naiisip niya. Hindi talaga ito pumasok sa isipan ko dahil nagpropose na siya sa akin, ng kami lang dalawa.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. "Bakit pala inulit mo ang pagpopropose? Meron bang ganoon?" Kasi ang akala ko, isang beses lang dapat magpropose, hindi dalawang beses.

"I told you earlier that I want the world to know that I am marrying you. Now, they already know that I am tying to knot with you." Nangingiting saad sa akin ni Vander.

Natawa naman ako sa kanya. "Ang dami mong pakulo. But I love it. Nagulat talaga ako kasi akala ko talaga birthday ito."

"A surprise won't be a surprise if you will not be surprised." That was almost a tongue twister. He's really a sweet guy.

"My dear Raven." Lumapit naman sa amin si Tito Solomon at niyakap niya ako. "Don't scowl son, she's my daughter too!" Reklamo naman ni tito Solomon kay Vander. "What a jealous guy."

"Just refrain from hugging her dad. I don'y like it even you are my dad." Nakasimangot na sagot ni Vander rito.

"Then give me grandchildren so I will hug a little version of both of you." Mabilis naman na sagot ni tito Solomon para mamula ako.

Bakit ba nagmamadali silang magkaroon kami ng anak? Ang alam ko ay hindi mabilis gawin iyon. It will take you time and effort and hard work.

"After we get married dad, we will." Supladong sagot naman ni Vander at napapailing na lamang ako. He's really a moody.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon