Death 🔸 27

16.3K 1K 134
                                    

Raven's POV

MATAGAL na kumustahan ang mga naganap. Naging masaya ako dahil hindi naman pala sila galit sa akin at alam nila ang totoo. Hindi ko alam kung bakit hindi nakarating sa kanila ang balita na tungkol sa pekeng pagkamatay ko. Siguro, hindi lang talaga umabot sa kanila. Sino ba naman ako para maging dahilan ng chismis?

Hindi pa malaki ang tiyan ni Haze. Sabi niya ay dalawang buwan na daw siyang buntis, pero pansin ko na medyo lumaki siya ng konti. Parang tumataba siya, ganoon talaga siguro kapag buntis. Nalaman ko rin na paglilihi pala iyon mga request ni Haze na kakaiba na malayo sa salitang normal.

"Raven, sabi ni Josh, may nagdemanda daw laban sa iyo?" Tanong ni Haze sa akin na kumakain ng mani na sinasawsaw sa suka.

Hindi ko alam kung masarap ba iyon, pero mukhang sarap na sarap siya. Hindi na lang namin pinupuna ang kakaibang mga gusto niya dahil alam naman namin na buntis siya.

"Oo, dinidiin nila ako sa salang ako nga ang gumawa." Sagot ko naman sa kanya.

"Yun nga. Hindi nila alam na ikaw talaga ang gumawa, pero ikaw ang idinidiin. Kakaiba din talaga yang Harriette na yan, desperada. Dahil lang sa hindi niya makuha ang gusto niya, gagawa siya ng gulo." Komento ni Haze. "Pero paano yan, since ikaw naman talaga ang gumawa?"

"That's the plot twist. They will never saw it coming." Sagot ko na lang kay Haze.

"Pero girl, paano yan bukas? Sasama ba ang mga Delacroix?" Tanong naman ni Bree ngayon. He sounded like the way it was before kaya mas komportable ako.

Napatingin naman ako kay Vander. Hindi ko alam kung kasama ba sila, wala akong alam.

"They will, as audience of the court." Sagot naman ni Vander. "But they will be the one who will get arrested."

"Tama. I already watched the footage, Raven. This is a strong evidence and even without a trial, Martin Delacroix will rot in the cell." Sabad naman ni Josh.

"Diyos ko, manood tayo bukas Vaklah. Exciting ito." Saad naman ni Haze kay Bree.

"Syempre, pahuhuli ba tayo? Hindi ko mapapalampas kung ano ang gagawin ng mga Delacroix, oras na pumutok ang video." Tugon naman ni Bree.

"Raven, I need you to prepare yourself. They will be asking questions and will try to put pressure on you. Tell them the truth first and be careful with the lawyers, they will find a way to lie just to win the case." Paalala naman ni Josh sa akin.

"I will. I will put pressure to the lawyer instead." Sagot ko sa kanya.

"You sure can?" Panigurado nito.

"I can." Psychological attack ang gagawin ko. I will read his mind and will try to crack him up.

"After telling them the truth, we will play the video. They will naturally say, it's edited o sasabihin nilang sinisiraan mo lang sila. I am pretty sure, Harriette will create a scene and will accuse you for seducing Vander. She will try to ruin you and be the victim for cheating. If that will happen, that is the time that we will reveal what you truly are, Raven. It will be the time to tell the world that you are a legendary and you are Vander's amour." Mahabang paliwanag sa akin ni Josh sa mga dapat kong gawin.

Napatitig naman ako sa kanya. Paano niyang naisip ang lahat ng iyon na tila sigurado siya na iyon ang mangyayari?

"Sigurado ka ba na yun ang mangyayari?" Paninigurado ko.

"Yes, I am very sure that will be in order. I am not a world class detective for nothing." Tugon niya sa akin.

Napabuntong hininga naman ako. "Hindi yan problema sa akin. I'll remember it. About putting pressure on the lawyer, okay lang ba na to the point he will fear me?" Hindi ko mapigilan na hindi iyon itanong dahil alam ko na mangyayari iyon,

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon