Death 🔸 10

15.4K 898 144
                                    

Raven's POV

"LUX, tatawagan na lang kita mamaya. Bye." Sabay putol ko sa tawag.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at maglalakad na sana ako palabas ng magsalita ito.

"Who's that?" Tanong nito.

Tinutukoy ba nito si Lux na kausap ko sa cellphone? Bakit naman siya magtatanong?

"Someone who's not related to you." Sagot ko sa kanya. Bakit ba kasi nagtatanong siya? Wala naman siyang pakialam kung may kausap ako diba?

"A boyfriend?" Kumpirma pa nito.

Boyfriend? Ganoon ba ang iniisip niya? Bahala siya sa buhay niya.

"Oo." Sagot ko na lang para manahimik na ito. Boy friend ko naman talaga si Lux. Isang lalaking kaibigan, pero bahala siya kung iisipin niya na kasintahan ko si Lux. Ano naman sa kanya ngayon?

"Let's go." Saad nito na madilim ang itsura. Galit na naman ito na sila lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan.

They said girls are complicated. Ang mga lalaki din naman. Bigla na lang nagagalit ng hindi mo alam ang dahilan.

A/N: Real talk. Yung ex ko, bigla na lang nagagalit sa akin ng hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan. Yun pala, bakit daw hindi ako nagseselos o yung nang-aaway sa text. Di ko daw siya pinipigilan na gumala. Mahal ko ba daw siya. Sabi ko na lang MASYADONG MALAKI ANG TIWALA KO SAYO PARA PAGDUDAHAN KA. Sa totoo lang, parang ako yung lalaki sa amin dalawa, kasi siya yung parang ewan.😂

Sa akin ba siya galit? Wala naman akong ginawa sa kanya para magalit siya. Kaya hindi na ako nagtanong pa. Sumunod na lang ako sa kanya pababa sa condo.

Bumaba naman kami sa basement at sumunod ako pa rin ako sa kanya. Huminto kami sa isang Aventador SVJ na kulay bronze. It's one of the super cars and a very expensive one as well.

Pinindot ni Vander ang key holder at bumukas na ang pintuan na kakatwang pataas iyon na nagmumukha tuloy itong lilipad. Two seaters lang iyon. Sumakay naman si Vander. Nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi.

"Are you just going to stand there? Get in." Utos nito sa akin na tila nayayamot pa.

Sumakay na ako at hindi na ko na rin magawang ngumiti. Kakasimula pa lamang ng araw ko ay sira na kaagad. Ipinaling ko na lang ang tingin ko sa labas, kahit wala naman akong interes. Bakit ba kasi nandito ako sa sitwasyong ito? Wala na akong balak magpakita sa kanya dahil alam ko na ganito ang mangyayari.

Oo, may kasalanan ako kasi naduwag ako. Kasalanan ko kasi hindi ako nagtiwala. Hindi naman mangyayari ang lahat ng iyon kung pinagkatiwalaan ko lang si Vander. Kaso, hindi ko ginawa. Ngayon ay inaani ko na bunga ng pagkakamali ko, and I have no choice but to bear with it.

A/N: Sa lahat ng nagsasabing mababaw si Vander. Siguro di niyo pa nararanasan ang sitwasyon niya no, kaya niyo nasabi yun? Kasi ako, oo at hindi po madali yun. Sobrang sakit to the point na kaya mong pakawalan ang taong mahal mo.

Nakasandal lang ako sa upuan pero hindi pa rin tumakbo ang sasakyan. Kaya napatingin ako kay Vander na ngayon ay nakatingin pala sa akin at nakakunot noo.

"Put your seatbelt on." Utos nito sa akin.

Tahimik naman akong tumalima at ikinabit ang seatbelt. Hindi na yun napansin dahil sa sobrang badtrip ko. Tumakbo na rin ang kanyang sasakyan at sa labas pa rin ako nakatingin.

Ibang iba ang Eriondel sa Metropolis. Pero dahil sa naganap na gulo noong nakaraang taon ay hindi na ito katulad ng dati. Ang tahimik na cuidad ng Metropolis ay nabahiran na ng masamang ala-ala.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon