Death 🔸 34

16.3K 958 271
                                    

Raven's POV

NAKAUWI na kami sa condo at hindi na namin nadatnan doon si tito Solomon. Maybe he went home after their talk.

"Baby, I'll cook for our dinner." Saad naman ni Vander pagkatapos niyang hubarin ang pang-itaas na suot kaya ang pants na lang ang natira sa kanya. Hindi sinasadyang napatingin ako sa katawan niya dahil takaw pansin talaga ito. Yung katawan niya, yung tipong mapapatingin ka talaga kahit ayaw mo pa. "Baby, you're ogling again." Napapangiting saad niya na animo'y nagustohan niya ang reaksyon ko.

"Friendly kasi masyado ang katawan mo. Your abs is waving at me, kaya imposibleng hindi ako mapapatingin diyan." Sagot ko naman sa kanya tsaka pabiro ko itong inirapan. Napatingin naman ako sa cellphone ko na low battery na. "Charge ko muna cellphone ko." Paalam ko sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ko ang charger ng cellphone at sinaksak ko na iyon sa outlet at kinabit ko na ang charger sa cellphone ko. Nilagay ko naman ang cellphone ko sa side table.

Nagbihis na ako ng komportableng damit. Isang mint green na cotton shorts at isang pale yellow na tshirt. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko naman si Vander na abalang naghihiwa sa kusina na nakatopless.

"Baby, can I borrow your phone?" Tanong ko sa kanya. Napapakagat ako sa labi sa pagpipigil na matawa dahil hindi ako sanay na tawagin siyang baby, pero gusto ko pa rin tawagin siya ng ganoon.

"It's in my pocket baby. Get it, my hands are wet." Sagot naman nito sa akin.

Lumapit ako sa kusina at tsaka kinapa ko ang bulsa niya at kinuha ko na ang cellphone niya. Itatapat ko na sana sa mukha niya para ma-unlock yung phone pero bumukas iyon kahit mukha ko ang na-scan.

"Hala, bakit na-unlock ng mukha ko?" Nagtakang tanong ko sa kanya. Imposible naman na error lang iyon ng cellphone.

"You're the secondary face identification on my phone." Sagot naman nito sa akin at nginitian ako.

"Paanong nangyari yun? Wala akong maalala na nagface scanner ako para sa phone security mo?" Takang tanong ko sa kanya dahil hindi naman maaaring basta nandyan na lang yung mukha ko.

"I asked the developer to put you using your picture. It was almost impossible since it need every angle of your face. So I took a lot of your photos with different angle. Somehow, they manage to use it. But thank you for reminding me. We can redo it for more accuracy." Sagot niya sa akin na talagang ikinahanga ko. How the hell was he able to get in touch with apple developers? In-house ang mga iyon and not someone you will just reached out somewhere. Hindi na ako nagkomento tungkol sa pag-uulit ng face scan.

Napatingin naman ako sa pinaghihiwa niya. "Anong lulutuin mo?"

"Lechon Kawali." Sagot niya sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "You're not cooking any Italian or French food?" Kasi yun ang hilig niya na hindi ko naman bet.

"You don't like those food, so I am cooking the food that you will surely love." Sagot niya sa akin tsaka nilagay na niya ang mga pork belly sa isang kaserola para pakuluin ito at pritohin. "Just go in the living room. I don't want you to get splashed with boiling oil." Taboy nito sa akin.

Napanguso naman ako. "Alright."

Lumabas na ako sa kusina at pumunta naman ako sa living room. Una kong tiningnan sa cellphone niya ay kung may games ba. Pero napkaboring ng cellphone niya dahil wala man lang laro kahit isa man lang.

Kaya napatingin na lang ako sa facebook. Yeah, Vander has facebook! Bakit ba ako nagugulat? It's just that, he is not the person who uses social media so I am really surprised. Ni minsan ay hindi nga ito nagbanggit about facebook or instagram.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon