Death 🔸 13

16.5K 917 163
                                    

Raven's POV

NAKASAKAY ako sa sasakyan na pinadala ni Vander sa bahay. Sabi ng driver na hindi ko kilala ay sa kompanya na daw ang derecho ko. Idadaan lang daw namin ang mga gamit ko sa condo at aalis din daw kami.

Totoo nga na idinaan lang nito ang mga gamit ko. May naghihintay sa lobby para kunin ang mga gamit ko kaya ang driver na ang nagdala ng gamit ko at nanatili lang ako sa loob ng sasakyan.

Tumingin na lamang ako sa cellphone ko at nagbukas ako ng game na Township. Ibabaling ko na lang ang pansin ko rito kay sa naman mabadtrip ako tuwing maiisip ko na nakakaharap ko siya at ang babae niya.

Hindi ko na namalayan ang paligid ko dahil sa paglalaro ko at narating na pala namin ang kompanya nito sa Metropolis.

Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad na ako papasok at wala naman sumita sa akin. Kapwa abala ang lahat sa kanilang mga trabaho.

Sumakay na ako sa elevator at may mga kasabay naman ako na kanya kanya ang dala ng kanilang folder at may mga kape sila na may tatak ng Starbucks.

Amoy na amoy ko ang kape sa loob ng elevator. Okay lang naman sa akin dahil mabango naman iyon sa pang-amoy ko.

"Natakot talaga ako kahapon. Ang daming natanggal sa trabaho dahil sa konting pagkakamali lang." dinig kong saad ng babaeng naka asul na top at isang cream na pencil skirt.

"Mainit kasi ang ulo ni Boss kahapon. Balita ko kasi may aksidenteng nangyari daw sa girlfriend niya kaya ganoon. Nakita kasi ng taga HR na isinugod si miss Harriette sa ospital." Sagot naman ng babaeng naka dilaw na top at itim na pencil.

"Talaga? Bakit daw? Anong nangyari at isinugod siya sa ospital?" Agad na tanong ng babaeng naka-asul.

"Walang nakakaalam. Kahit yung taga HR ay hindi din alam. Buong araw na mainit ang ulo ni boss at maaga din itong umalis pabalik sa Eriondel." Kuwento nito sa naka-asul.

"Yan talaga ang ipinagtataka ko kay Boss. Ang layo ng Eriondel pero doon siya lumipat. Ang alam ko ay nakatira na sila sa iisang bubong ni Ms. Harriette pero lumipat si Boss nitong nakaraan. Sabi nga nila, may hindi pinagkakaintindihan daw ang dalawa kaya ganoon ang nangyari. Pero mukhang hindi naman totoo ang balita dahil kita mo naman di ba?"

Hindi ko alam kung hindi ba natatakot ang dalawang ito na pinag-uusapan nila ang pribadong buhay ng kanilang boss sa loob ng kompanya. Sa pagkakaalam ko ay bawal iyon.

"Ay, nandito na ako. Mamaya na lang tayo mag-usap sa lunch." saad ng babaeng nakadilaw at lumabas na ito ng 20th floor.

Naging tahimik na rin sa loob ng elevator at tumingin naman ang babaeng naka-asul sa akin at ngumiti siya sa akin.

Ginantihan ko naman siya ng ngiti. Nakita ko kung paano siya natulala sa akin pero ibinaling ko na ang mata ko sa numero na tumatakbo sa gilid.

Huminto na rin ang elevator sa floor ng babaeng naka-asul at lumabas na ito at ako na lang ngayon ang mag-isa sa elevator.

So they are living together? Hindi ko alam kung masasaktan ako o mas masasaktan pa ako. Kahit isipin ko na wala akong karapatan pero hindi ko maiwasan na maramdaman ito. Mahal ko siya at natural lang na masaktan ako lalo na sa nalaman ko.

If they are living together, then the rumor about the upcoming engagement is real and not just some rumor. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung bakit sila nakatira sa iisang bubong. Baliw ang ang mag-iisip na wala silang ginawaga na dalawa.

A man and a woman living under one roof at magkarelasyon pa, it's easy as one plus one. Mabigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko ng bumaba ulit pero pinigilan ko ang sarili ko. Uunahin ko muna ang kapakanan ng nakararami kay sa pansariling interes ko.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon