Death 🔸 9

15K 974 194
                                    

Raven's POV

PAKIRAMDAM ko ay masusuka ako sa sobrang kabusogan. Sino ba naman ang hindi kung ipaubos ba naman sayo ang lahat ng ulam? Noon una ay natuwa ako pero kalaunan ay hindi na dahil hirap na hirap akong ubusin yun. Kahit gaano pa siya kasarap ay hindi mo na siya kayang kainin kung busog ka na. Pero mas nangibabaw naman yung takot ko kay Vander na baka kung anong gagawin niya kung hindi ko yun mauubos.

Hangga't maaari ay ayoko siyang galitin. Hangga't maaari, susundin ko lahat ng ipag-uutos niya para walang gulo. Dahil kung paiiralin ko ang katigasan ng ulo ko ay siguradong magiging magulo ang sitwasyon namin dalawa. Hindi ko nakakalimutan na galit siya sa akin kaya nga ganyan ang pakikitungo niya. Tanga lang ang magsasabing hindi siya galit sa akin. Malinaw na iyon sa akin.

Napaupo na lamang ako sa sala. Kailangan kong mag-eherhisyo para mabilis na matunaw iyong mga kinain ko. Uminom na rin ako ng digestive pill para mas mabilis ang pagtunaw ng pagkain.

Gusto kong mag-ehersisyo pero masakit naman ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Kaya imbes na gawin ang plano ko ay umupo na lang ako sa isa sa mga sofa doon. Nasa sala ako at sa palagay ko ay nasa kwarto ulit si Vander.

Hindi na muna ako kakain ng hapunan dahil iniisip ko pa lang ang pagkain ay nasusuka na ako. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ng buhay ko simula ngayon. Kasama ko sa isang bubong ang ex ko na galit sa akin. Partida, hindi pa nagpapakita ang girlfriend nito na siguradong galit din sa akin. Buhay nga naman.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa pagkakaupo ko dun. Naalimpungatan na lamang ako dahil sa tunog ng pagtitipa sa isang keyboard. Nagising ako at nakita ko kaagad si Vander na abala ito sa pagtitipa sa kanyang laptop. Nakasuot ito ng salamin sa mata.

Napaayos naman ako ng upo. Kailan pa ito nandito? Bakit hindi niya ako ginising? Bakit naman niya ako gigisingin? Sino ba ako sa kanya? Baka nga kahit bangungutin ay hindi niya ako gigisingin at hahayaan niya lang ako.

Anong oras na ba? Kaya napatingin ako sa relo ko. Ala singko na pala ng hapon. Hindi naman ganoon kahaba ang tulog ko. Wala naman talaga sa plano ko ang pagtulog doon.

"Miss Haust, is it included in your job description to sleep while you are on duty?" Nagulat na lang ako ng bigla siyang nagsalita.

Ang kaninang pagtataka ko ay napalitan iyon ng kaba at hiya. Inaamin ko sa sarili ko na mali naman talaga ang nangyari. Bakit naman kasi ako nakatulog? Ano, parang baboy lang? Tulog pagnabusog?

"I'm sorry sir. Hindi ko napansin na naidlip na pala ako." Sagot ko na lang na pilit iniiwasan ang mautal.

"I am not paying you to sleep. Do your fucking job properly or else I will fire you." Banta nito sa akin at dahil sa sinabi niya ay lumiwanag naman ang itsura ko.

"Really? You will?" Tuwang saad ko na nakalimutan ko na galit pala ito sa akin.

Mas lalo lang dumilim ang anyo nito na tila hindi nagustohan ang sinabi ko.

"No. I changed my mind, I'll torture you then...until you beg for mercy or beg me to kill you instead." Banta nito sa akin na siyang dahilan para kilabutan ako.

And that's it. The blow was worst. It was enough to rip my heart into pieces. Hindi na talaga niya ako mahal at wala na akong puwang sa puso niya. Lahat ng ito ay trabaho na lamang. Kaya nga siguro nandito ako sa trabahong ito dahil ako ang sasalo ng bala na para sa kanya.

I am too late already at alam ko yun. Hindi ko na inasahan o pinangarap na mapatawad pa niya ako.

"I'm sorry, It will never happen again. Sir." At tumayo na ako at pumunta ako sa kusina.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon