Death 🔸 16

17K 1K 229
                                    

Raven's POV

KINULANG ako sa tulog dahil magdamag akong nag-imbestiga. Namalayan ko na lang na alas cuatro na pala ng umaga bago ko pa naisipan na matulog kahit alam ko na ilang saglit lang akong makakapikit dahil gigising din naman ako sa alas singko.

I found in my investigation that there is nothing suspicious about Zurich, pero kuwestyonable sa akin si Harriette. It was said that she is a child of a senator, the Delacroix pero base naman sa imbestigasyon ko ay walang naging anak ang mga Delacroix, maliban na lang kung nag-ampon sila.

Pero wala naman akong nakitang kakaiba kay Harriette maliban doon. Pero dahil likas sa akin ang mapanghinala ay hindi ko ito basta-bastang babaliwalain. I will dig down deeper. That made my night long and forgot to sleep.

Naisipan ko na lang na magkape dahil kulang na kulang talaga ako sa tulog. Napatingin ako sa living room at wala na si Vander doon na natutulog. Malamang ay bumangon ito ng hindi ko napapansin.

Napapailing na lang ako. Kung mahina naman pala siya sa alcohol tolerance ay sana hindi na lang siya uminom. Mas malakas pa tolerance ko sa kanya dahil hindi ako agad-agad nalalasing.

Dumerecho na ako sa kusina at halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita ko doon si Vander, umiinom ng kape at may balat ng pain reliever sa lamesa.

Tumingin naman ito sa akin na tila walang nangyari. Bakit ba ang hilig ng taong ito na mangulat?

"Morning." Bati nito sa akin na halos ikasangko naman ng kilay ko sa kisame. Anyare? Bakit siya ang unang pumansin sa akin? Pero iisipin ko pa ba iyon, kung pabago bago naman talaga ang ugali nito?

"Ah...morning." Kahit nagtataka ay sumagot pa rin ako at naiilang na lumapit ako sa coffee maker at nagtimpla ako ng kapeng gusto ko.

"How did I got home lastnight?" Naitanong naman ni Vander.

As I have said, malilimutan nga niya ang mga nangyari kagabi. The dream that I don't want to end has already been ended. Just like in the movies.

"You passed out. I drove you home lastnight." Sagot ko na lang sa kanya. Totoo naman talaga na nakatulog siya at ako na ang naghatid sa kanya.

"H-have I done something...weird?" Tanong niya sa akin na naging dahilan para bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kagabi. Weird? It's more than weird, Vander. I guess you will curse me if you will know. Kaya mas mabuti na hindi niya alam dahil ayokong mas lalong magalit siya sa akin.

"No...nothing." Naging sagot ko sa kanya.

Napalunok naman ako ng tinitigan niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. His eyes is piercing me and I wanted to run because any moment, he might see through me.

"Nothing really...happened?" Paninigurado nito pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Something has changed, yun ang masasabi ko.

Napalunok ako bago ako umiling. Why do I have a feeling that I am in a deep shit right now? My gut is telling me that I just fell right in a big trap. But maybe, I am just imagining things.

"I'll just have my coffee...outside." Saad ko at dinala ko na ang kape palabas ng kusina.

Sa living room na lang ako magkakape dahil naiilang ako kay Vander lalo na sa kanyang mga titig. But, is it really true na wala siyang naaalala? But why do he have to ask kung meron? Malamang dahil wala nga talaga.

Umupo na lang ako sa sofa at tahimik akong nagkakape. Tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko na nagtext si Lux.

Hey, next week is my birthday. Don't forget to come.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon