Death 🔸 7

15K 879 176
                                    

Raven's POV

PAPUNTA na kami sa HQ ng mga sandaling ito. Hindi namin kasama si Lux dahil mga babae lang naman ang kailangan.

Nakasuot lamang ako ng isang itim na leather pants, black combat shoes, at itim na v-neck shirt. Pumasok na kami sa building. Kung titingnan ito ay isa lamang itong ordinaryong kompanya. May mga office workers, products and clients. Pero dito nakatago ang headquarters. This business is just a mask to hide us.

Pumasok na kami sa pribadong pintuan na tanging kaming mga myembro lamang ang mayroon access.

Agad na bumungad sa amin si Charlie, na siyang assistant ng lahat.

"Mabuti at nandito na kayo. Kompleto na ang lahat at makakapagsimula na tayo." Salubong nito sa amin at may suot itong bluetooth headset. "Boss, nandito na si Miss Haust at Miss Rochester."

Naglakad na kami papasok sa meeting room. Dumating na kami doon at nakita ko nga ang mga kasamahan namin na babae at walang lalaki doon. Nakaupo naman si Chief sa unahan at may mga tinitingnan itong folder.

"Mabuti naman at nandito na kayong dalawa. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. May hawak ako ngayon na kaso na kailangan maresolba. It's death threat from unknown source. Kaya ang gagawin niyo ay mag undercover kayo as defenseless citizen around the victim. Pero bago pa yan, ay hindi kayong lahat ang gagawa. Isa lang sa inyo ang gagawa ng trabaho." Hayag nito sa amin. Isa lang pala, bakit pinatawag pa kaming lahat? "Hindi ko magawang pumili sa inyo dahil lahat kayo ay magagaling. Kaya napagpasyahan ko na dadaan kayo sa isang test. Kung sino ang mananalo, siya ang tatanggap ng mission. At bago ko makalimutan, pagnatapos niyo ang misyon na ito, sampung milyong dolyar ang kabayaran at ang Elixir stone of luck."

Nanlaki ang mga mata ko. The Elixir stone of luck? Narinig ko na ang tungkol diyan. It's a stone who will ward off all badluck from coming in. Kaya natempt ako bigla. Bonus na yung ten million. I need to win this test. I have to get the job.

"Bakit isa lang chief? Hindi ba dapat ay marami dahil may banta sa buhay ng babantayan namin?" Tanong naman ni Kiera.

"Dahil yun lang ang kailangan ng kliyente natin. Ayaw niyang maging halata na may ahenteng kasama niya para bantayan siya." Sagot naman ni Chief. "So go to the gym, and we will have a knockdown. Matira matibay. Ang matitira ay siyang mananalo."

Kaya tumayo na kaming lahat. Pumunta kami sa gym para masimulan na ang pagpipili. Nasa gitna kami ng nalawak na espasyo.

"Oras na tumunog ang pitu, sisimulan niyo na ang laban." Usal ni Chief sa amin.

Napatingin naman ako kay Kiera na halatang handa na rin. Walang personalan ito, pero hindi ko palalampasin si Kiera. Ako ang mananalo at wala ng iba.

Kaya pagtunog ng pitu ay agad na nagsigalawan ang mga kasama ko. May bumagsak kaagad, may napaatras. Mabilis akong gumalaw at lahat sila ay pinatamaan ko ang kanilang ugat sa leeg para mawalan sila ng malay. Wala akong pinalagpas ni isa.

Sa loob ng isang minuto ay bumagsak na silang lahat. Napapalakpak naman si Chief.

"Alam kong ikaw ang mananalo, dahil ikaw ang pinakamagaling sa kanila. So you will be the one who will get the job and also the Elixir stone." Saad ni chief sa akin sabay bigay sa akin ang bato. Tumingin naman ito ngayon sa ibang mga ahente na nandoon. "Bring them to the clinic." Utos nito.

Agad na tumalima ang mga ito at binuhat nila ang mga walang malay patungo sa clinic. They need to be awaken immediately.

"Chief, ano ba ang magiging trabaho ko?" Paglilinaw ko sa kanya.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon