Death 🔸 4

15K 947 301
                                    

Raven's POV

NASA malayo lang ako at nakatanaw kay Papa na ngayon ay masayang naglalakad kasama ang babaeng kinakasama niya. Malaki ang ipinagbago ni Papa. Mas malusog na siya ngayon tingnan kaysa noon una.

Wala naman akong maramdaman na kakaiba sa babae at malinis naman ang ala-ala nito. Walang halong pagpapanggap kaya napapangiti na lang ako. Alam ko na masaya si mama ngayon dahil masaya na ulit si Papa. Hindi naman ako makasarili na magagalit kung makahanap man ng iba si Papa.

Natapos din ang pagmamatyag ko kay Papa at napagpasyahan ko na magliwaliw na lang din. Alam ko na hindi na lalabas ng bahay sina Papa at wala naman nakakakilala sa akin dito.

Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa Pavillion kung saan nandoon ang maraming restaurant at boutiques. Para itong mall na hindi.

Walking distance lang naman ito kaya hindi na ako sumakay ng cab para pumunta doon. Hindi gaanong marami ang tao na namamasyal, lalo na at wala naman mga bata. Kung meron man ay sigurado akong nasa bahay na rin.

May mga bata na sa mundo, pero mga baby pa. Mga anak ng huling henerasyon. Kailangan ng gobyerno nganon na at least, tatlo ang anak sa bawat pamilya ng bagong henerasyon para sa kinabukasan. Kaya halos, taon taon ay nanganganak ang mga kasing edad ko at suportado sila ng gobyerno.

May nakita naman akong isang boutique at may nagustohan akong damit doon. Pumasok ako doon pero imbes na pumili ako ay napatingin ako sa mga taong nagkakasagutan ngayon.

"Miss, ako yung nauna sa damit na ito. Hindi pwedeng dahil gusto mo ay sapilitan mo itong kukunin sa akin." Dinig kong saad ng pamilyar na boses at nakita ko nga kung sino ang nagsalita. Si Jollana iyon at pareho silang nasa counter, kaharap ang babaeng sopistikadang de takong.

"Little miss, I can get whatever I want! If I want it, I have to get it—"

"Wow, ano to? Pag-aari ng iba inaagaw mo pa? Miss, tigil tigilan mo ako baka maubos pasensya ko at di kita matansa." Matalas na sagot ni Jollana sa babae.

"Harriette, maybe we can just buy another dress. Hayaan mo na lang—" naputol naman ang sinabi ng kasama ng babaeng tinawag na Harriette.

"No! I want that dress! Where is your manager? I want that dress now!" Tili nito na ikinataranta ng sales lady.

"Wow, makautos akala mo siya nagpapasahod sa empleyado dito. Kapal ng mukha talaga kahit kailan." Dinig kong turan ni Jollana at napapaypay pa ito sa sarili.

"You don't know me bitch. I can buy you, and your friends and this place!" Galit na saad ni Harriette.

"Kilala kita haliparot ka! Isa kang malaking langaw na gusto pang pumatong sa bagay na pagmamay-ari na ng iba." Sagot naman ni Jollana na ikinapula sa galit ni Harriete.

Kumunot naman ang noo ko. Ang sama ng ugali niya sa totoo lang. Hindi naman tama na kunin niya ang damit kung si Jollana na ang nauna doon.

"Jollana?" Pasimpleng pasok ko. Ayoko sanang makisali sa gulo nila pero parang nagiging kawawa si Jollana dito.

"Raven?" Nagulat pa ito ng mapalingon ito sa akin.

Lumapit ako sa kanila. Nakita ko naman na napamaang si Harriette at ang kasama nito ng makita ako. Hindi ko sila kilala and somehow I know why their reaction is like that.

"Anong nangyayari?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko naman talaga ang nangyayari.

"Yan babaeng yan. Kita na nga na ako ang nauna dito sa damit gustong kunin. Pinagmamalaki pa niya na mapera siya. Akala mo naman sinong maganda." Sagot naman sa akin ni Jollana at inirapan nito si Harriette na nakatingin pa rin sa akin.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon