Death 🔸 39

15.1K 891 97
                                    

Third Person's POV

TILA binasag ang puso ni Vander at labis ang kanyang pagluha ng huminto si Raven sa paghinga. Duguan din si Vander dahil hawak hawak niya ang duguan na si Raven. Naghalo na din ang dugo ni Vander dahil sa mga sugat na tinamo nito.

Dumating ang chopper at paramedics, mabilis silang lumapit kay Vander na hindi na matinag sa kinaluluhuran ngayon ay umiiyak.

"Baby...why?" Walang lakas na usal ni Vander sa walang buhay na katawan ni Raven. Hindi niya magawang sumigaw dahil pakiramdam ni Vander ay binawian siya ng lakas sa nakikita at nararamdaman niya. Nakakapanghina.

"Mr. Cambridge, please allow us to check her. We need to process revival." Saad ng isang paramedic at may mga dalang kagamitan.

"She just stopped breathing seconds ago...please, do all your best." Nanghihinang saad ni Vander. Hindi niya magawang magalit kahit na sino dahil ang sarili niya ang kanyang sinisisi. He's a failure...he failed fo protect the woman he loves.

"We will do our best Mr. Cambridge." At mabilis na kinuha nila si Raven at isinakay ito sa isang portable stretcher. Nakatagilid si Raven.

"Raise the voltage." Saad ng paramedic. The metal like iron are sparkling with electricity. "Suction the blood from her mouth."

Mabilis na sumunod ang mga kasama nito at may nilagay silang plastic na tubo na may suction at binomba nila iyon. Agad na dumaloy ang dugo sa tubo palabas. Marami iyon hanggang sa wala ng nadala.

"I'll start shocking her heart now. If this will not work, prepare the Elixir." Utos ng lalaki na may hawak ng dalawang bakal na may kuryente.

"Yes sir. It's ready." Sagot ng kapwa niya paramedic.

Vander was just looking and not meddling but silently praying for another chance. He never felt so helpless before. He never felt so scared. Walang paglagyan ang sakit ng kanyang puso habang nakatingin kay Raven at wala man lang siyang magawa. Aanhin pa ang pagiging malakas at yaman niya, kung wala siyang magawa sa sitwasyon na ito?

All he can help is to not make a scene nor interrupt them. He trust the medical team's capability because they are the elite doctors from Eriondel.

Nagsimula ng i-shock ang katawan ni Raven. The first shock did not do any good. Bumulwak ulit ang dugo sa bibig ni Raven kaya mabilis na nilagyan na naman ng tubo ang lalamunan nito at binomba. It reached the third attempt at biglang nagblink ang cardiac monitor ng ilang segundo pero bumalik iyon sa flatline.

"Give me the elixir!" Sigaw ng lalaki at agad na may inabot ang kasama nito na isang malaking injection na may laman na kulay kahel na likido.

Agad na isinaksak iyon derekta sa tapat ng puso ni Raven at inubos iyon at binunot muli at agad na naglagay ng pressure ng isang babae sa dibdib ni Raven.

"One more shock!" At nirevive ulit si Raven at agad na bumalik ang tibok ng kanyang puso dahil nakita iyon sa cardiac monitor, pero mahina ang mga iyon, hindi kagaya ng normal. It's weak but better than a flatline.

Tila nabuhayan naman si Vander at kaagad siyang lumapit. Wala siyang pakialam kung duguan at sugatan siya, dahil ang importante ay humihinga na ulit si Raven.

"Doc, how is she?" Nanginginig na tanong ni Vander at hindi niya magawang hawakan si Raven dahil natatakot siya na baka huminto na naman ito sa paghinga.

"We have a little time, Mr. Cambridge. We need to do the operation right away. I think her spine was damage. The blade will be remove in the hospital. Mr. Cambridge, I would like to tell you that this is a 50/50 chance of survival. The elixir that we put in her heart is just temporary revival. We need to do the operation and make sure that there will be no complications." Saad ng doctor kay Vander.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon