Death 🔸 2

15.4K 925 154
                                    

Raven's POV

DUMATING kami sa Century Peninsula Hotel. Maraming medya doon na nakaabang at kinukunan ng mga larawan ang bawat panauhin.

Bumaba na din kami ni Kiera at nakasuot na kami ng maskara. Walang makakakilala sa amin at lalong walang makakaalam kung ano ang ipinunta namin dito.

Agad na nagkislapan ang mga camera habang naglalakad kami ni Kiera. Pareho naman kaming umasta na tila walang napapansin. Dere-derecho lang kami papasok sa loob patungo sa ballroom.

"Raven, doon ka sa east wing...sa north wing naman ako." Saad ni Kiera sa akin at tumango ako.

Agad na naglakad ako at pasimpleng iniiwasan ang mga panauhin doon na abala sa pakikipag-usap sa mga kakila. Wala pa akong nakikitang pamilyar, o mas tamang sabihin na mahirap kilalanin ang mga panauhin dahil parehong nakasuot ang mga ito ng maskara. Halos pareho din ang tindig ng lahat o kaya taas.

"Ma'am, drinks?" Nakangiting bungad sa akin ng isang serbedor, kaya kumuha ako ng isang wine para umalis na ito sa harapan ko.

Lumapit ako sa isang cocktail table doon at iniligay ko ang wine glass. Pasimpleng sinuyod ko ang dagat ng mga panauhin at wala naman kakaiba akong napapansin.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay may agaw atensyon na naglalakad sa gitna. Isang pares ng babae at lalaki. Pinagkaguluhan ng mga panauhin ang magandang kasuotan ng babae. Para itong prinsesa na kasama ang kanyang prinsipe. Pareho silang nakamaskara. Napakunot na lang ang noo ko ng mapatingin ako sa lalaki at parang biglang nanikip ang aking dibdib.

Iniisip ko kung kilala ko ba siya para maramdaman ito. May isang tao lang naman ang kayang magparamdam sa akin ng ganito at iyon at si Vander. Pero ang alam ko ay hindi kabilang si Vander sa panauhin, kaya imposible na siya ito.

Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro, nakaramdam lang ako ng inggit sa dalawa. Ganoon lang siguro iyon kaya iniwas ko na ang tingin sa kanila at itinuon na lang ito sa iba.

May mga lumapit naman sa table ko, mga babae din at nakipagkaibigan.

"Hi, do you enjoy the party?" Tanong pa ng isang blonde na babae sa akin.

Ngumiti naman ako. "Kinda." Sagot ko sa kanya. Kailan ba ako nag-enjoy sa isang party? Kung hindi lang ito trabaho ay hindi ako pupunta dito. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa mga ganito. Wala naman kasing silbe, tatayo ka lang, kakain at manonood. Mas masaya pa kung nasa bahay lang ako.

"There are lots of rich men here...are you here to hook up with them?" Nakangising tanong nito sa akin na ikinataas naman ng kilay ko.

Pero ngumiti pa rin ako. Kailangan kong magpanggap na hindi naaapektuhan. "Actually no. I don't have interest on hooking up with anybody." Sagot ko sa kanya. Kung wala iyong pagpapanggap ay baka nabangasan ko na ito ngayon.

"Oh, too bad. This is your chance on getting a rich husband though. I am actually here for that, most of the women to be exact." Paliwanag pa nito. Halata naman sa pananamit nito na halos labas na ang kaluluwa, o kung matatawag pa bang damit iyon dahil kinulang ang babaeng ito sa tela.

Napatingin ako sa paligid. Halos lahat nga ng mga babae doon ay dumidikit sa mga lalaking mukhang mayayaman. Ano ba ang nangyayari at naging ganito na ang mga babae ngayon? Do they really have to lower their standard just to get a rich husband?

"I don't have a plan on getting married or getting a man—" naputol na lang ang sasabihin ko sana ng may biglang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko. Agad ko naman itong nakilala dahil kilala ko ang suot nito.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon