Death 🔸 32

15.2K 935 179
                                    

Raven's POV

NAKATULALA akong nakatingin ngayon kay tito Solomon na kausap ang wedding coordinator na sinabi ni Vander. Pareho kami ni Vander na nakatangang nakatitig sa kanya. Natapos na kaming magtanghalian kaya abala na ito sa kung anu-anong sinasabi sa coordinator.

"I want the isle to be full of flowers and lilies. I need pink blossoms vines on the ceiling, don't forget the lights. I want the venue to be grand." Saad ni tito Solomon at mabilis naman na nagsusulat ang coordinator.

Sinubukan namin siyang pigilan kanina kaya idinaan namin sa tanghalian pero pagkatapos ng pagkain, agad itong nakipag-usap sa coordinator. Pakiramdam ko ay nagmamadali si tito Solomon.

"Dad, can you listen to us first?" Kuha naman ni Vander sa atensyon nito kaya napatingin naman sa amin si tito Solomon.

"Yes son? You want to share some ideas?" Tanong pa nito, habang nakaupo.

Umiling naman si Vander. "Not that dad. But, you're getting ahead of us. We still need to ask tito Eric's consent before preparing everything." Sagot ni Vander.

Tama naman ang sinabi niya dahil kailangan pa namin ipaalam kay Papa ito. Ama ko siya kaya kailangan malaman niya ito kaagad.

"Son, don't you learn your lesson? When you decide to choose a perfect time for you, you lost her. Now that she said yes, we must hurry the wedding so she cannot leave you anymore." Saad naman ni tito Solomon na tila nakalimutan nito na nandito lang ako at nakikinig sa mga sinasabi niya. "I'm sorry dear Raven, but I am just doing a preventive action, because this son of mine is as slow as a snail."

"Oh come on Dad." Vander grunted in frustration.

"Siguro tito, dapat sabihin ko muna kay Papa, bago gawin ang lahat ng ito." Naisaad ko sa kanya.

Nakita ko naman na kumunot ang noo ni tito Solomon. "Is there any possibility that you will change your mind on marrying my son?"

"N-no tito." Anong klaseng tanong iyon?

"Then let's hurry the wedding. I'll call kumpadre so you can talk to him over the phone." Nakita ko nga na kinuha niya ang cellphone sa isang bulsa niya at tinawagan nito ngayon si Papa. "Kumpadre, Raven want to talk to you—yes, I am here in their condo, I'll give my phone to her, just a second." At binigay niya sa akin ang cellphone at nakalagay nga doon ang pangalan ni Papa at ilang segundong duration ng call.

"Papa?" Turan ko sa kabilang linya.

"Anak, gusto mo daw akong makausap?" Tanong niya sa akin sa kalmadong boses.

Kinabahan ako. Madali lang naman sabihin, pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan.

Inagaw naman ni Vander ang cellphone at pinindot nito ang speaker phone.

"Tito Eric, this is Vander. We would like to tell you that I am marrying your daughter." Derechang saad ni Vander kay Papa at napatakip naman ako ng bibig.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Will he get mad because of this sudden proposal?

"Oh, that's great. I want to meet my grandkids as soon as possible. We will visit you soon to help with the preparation." Sagot naman ni Papa na talagang ikinagulat ko.

"Papa! Okay lang sa iyo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kasi sa mga napapanood ko, tututol ang ama sa kasalan, mga ganoon eksena, pero siya payag kaagad.

"Hindi naman problema sa akin yan anak. Matatanda na kayong dalawa. Matagal ng plano ni Vander na pakasalan ka, kung hindi lang nangyari ang insidenting yun, isang taon na ang nakakalipas. That's why I let you go with him instead of bringing you here in Wilshire. And I don't have a plan to be the antagonist of your love story, anak. I am dreaming to see my grandkids. Kung noon pa sana kayo ikinasal, di sana may mga apo na akong binabantayan ngayon." Mahabang sagot ni Papa na mas lalong ikinagulat ko. Sinisi pa ako kung bakit hindi ako nagpakasal ng maaga.

DEATH |Deathly Fate Series 3|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon