Chapter II

12.4K 839 117
                                    

Chapter II: Sent Flying With a Glance

Hindi pa rin maalis ang matinding galak sa mga mata ni Finn Doria habang nakatingin sa kumikinang na Pill sa loob ng maliit na bote. Ang kaniyang kanang kamay na may hawak sa maliit na bote ng pill ay nanginginig nang dahil sa sobrang pananabik.

Kumpara sa galak at sayang naidulot ng halos hindi mabilang na Excellent Profound Pill, ang pakiramdam ngayon ng binata ay hindi hamak na punong-puno ng kasiyahan at pag-asa. Sa kaniyang paningin, kahit ang libo-libong Excellent Profound Pill ay hindi maikukumpara sa isang Excellent Sky Pill.

Ito ang kayamanang makakatulong sa kaniya ngayon, ang kayamanang makapagpapaangat ng kaniyang lakas mula sa 1st Level Sky Rank patungo sa mas mataas na antas ng lakas.

Kahit pa ang sampung maliit na boteng ito ay naglalaman lamang ng Advance Sky Pill, matutuwa pa rin si Finn Doria. Hangga't makakatulong sa pagpapalakas ng kaniyang antas ng lakas ay tatanggapin niya ng buong puso. Pero dahil ang sampung maliliit na boteng ito ay naglalaman ng Excellent Sky Pill, hindi mapigilan ng binata ang hindi maglaway ng dahil sa sobrang pananabik.

Para sa kaniya, siguradong hindi lamang 2nd Level Sky Rank ang maaabot niya sa oras na kainin niya ang sampung ito, maaaring umabot pa siya sa 4th Level Sky Rank gamit ang mga pambihirang pill na ito.

Matapos ang ilang sandaling pag-iimahe sa kaniyang sarili na muli na namang lumakas, mabilis na dinampot ni Finn Doria ang mga maliliit na bote dahil sa takot na biglang mawala ang mga ito. Agad niya itong inilagay sa kaniyang pansariling interspatial ring upang itago mula kay Munting Black.

Dahil sa sampung kayamanang ito, unti-unting nabawasan ang inis ng binata sa munti at itim na nilalang. Malapad siyang ngumiti at itinaas ang kaniyang kanang kamay. Hahawakan niya na sana si Munting Black ngunit hindi niya inaasahang mabilis itong naglaho sa kaniyang makapal na buhok. Gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha nang mapansing lumitaw ito muli sa ibabaw ng bato.

Nakatingin si Munting Black sa mga mata ni Finn Doria at malinaw namang makikita sa mga mata nito na kinukutya niya ang binata.

Dahil sa ipinapakitang panghahamak sa kaniya ni Munting Black, hindi mapigilan ni Finn Doria ang mamula ng dahil sa sobrang inis sa munting nilalang.

"Kung hindi mo itinatago ang mga kayamanan na dapat ay para sa akin, hindi na sana ako magiging uhaw sa mga ito..." inis na bulong ni Finn Doria sa kaniyang sarili.

Nararamdaman niyang hinahamak siya ni Munting Black dahil sa kaniyang ipinakitang galak noong nalaman niyang ang maliit na boteng iyon ay naglalaman ng Excellent Sky Pill. Maaaring walang bisa ang mga Pills na iyon kay Munting Black pero para sa kasalukuyang si Finn Doria ang bawat isang Excellent Sky Pill ay maikukumpara sa isang pambihirang kayamanan.

Sa alaala ng kaluluwa ni Kurt, napakarami pang kayamanan ang makikita sa loob ng Myriad World Mirror at kung pagbabasehan ang Excellent Sky Pill, masasabing isa lamang itong basura.

Hindi pa natatapos sa antas na Sky Rank ang mundo ng mga Adventurers. Mayroon pang Legend Rank at mas matataas pang mga ranggo ang hindi pa natutuklasan ng mga Adventurer sa Sacred Dragon Kingdom. Maging si Finn Doria, na mayroong System at alaala ni Kurt ay wala pa ring ideya kung ano ang susunod na ranggo sa Legend Rank.

Kahit na magkapareho ang mga kayamanan sa larong Rise of Gods at sa mundo ng mga Adventurers, magkaiba naman ang sistema ng antas ng lakas sa dalawang ito. Halimbawa, nagsisimula ang mga manlalaro ng Rise of Gods sa Level 1 habang nagsisimula naman ang mga Adventurers sa ranggo na Bronze Rank.

Dahil dito, hindi pa rin malinaw kay Finn Doria kung ano-ano ang antas ng lakas sa mundong ito.

Nakatayo pa rin si Finn Doria habang nakatingin kay Munting Black na tahimik na nakahiga sa bato. Matapos ang ilang sandali, napasimangot siya dahil sa kahambugang pag-uugali ng munting nilalang na ito sa tuwing magkikita sila.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now