Chapter XXXVI

9K 609 46
                                    

Chapter XXXVI: True Enemies

Labing walong taon. Pinagmasdan ni Kiden ang babaeng minamahal niya ng sobra. Naramdaman niyang nangangasim ang kanyang ilong at namamasa na ang kanyang mga mata.

Hindi mabilang na mga alaala ang bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang pigura ng magandang babae. Gusto niyang sugurin ito at yakapin pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Vella..." nakangiting sambit ni Kiden. Nakangiti siya pero malungkot siya. Hindi pa rin masyadong nagbabago ang hitsura ni Vella, mas nahubog lang ang kanyang hitsura at mas lalo siyang gumanda.

Kung mayroon mang nagbago kay Vella, yun ay ang pakikitungo nito sa kanya, kay Kiden. Para bang nagbalik sila sa dati, noong mga panahong hindi pa sila masyadong magkakilala. Hindi na rin arogante ang magandang babaeng ito, kalmado lang siya habang unti-unting lumalapit sa tabi ni Noah.

Nanikip ang dibdib ni Kiden nang masaksihan niya ito. Nasasaktan siya pero ipinapakita niyang matapang siya. Siya dapat yun, siya dapat ang nasa tabi ni Vella noon at hanggang ngayon, hindi si Noah.

Si Noah naman ay nanatiling tahimik gaya ng mga adventurers na nasa paligid. Si Finn Doria naman ay hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Nang makita niya ang babaeng nagngangalang Vella, agad siyang napatingin kay Ashe. Nakita niyang kagat-kagat ng dalagita ang ibabang labi niya habang pinipigilan niyang umiyak. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa.

'Siya ba ang nanay ni Binibining Ashe..? Halos magkamukha na sila..'

Sa ngayon, si Finn Doria ay napunta sa isang nakakailang na sitwasyon. Nasa pagitan siya nina Kiden, Vella at Noah, at wala siyang kabuuang ideya kung anong nangyayari. Upang makaalis sa nakakailang na sitwasyon, agad siyang nagtungo sa kinaroroonan nina Ashe, Karen at sugatang Sepiro.

Lumapit siya kay Ashe at agad niyang sinuri ang pinsala ni Sepiro. Pagkatapos mag-isip sandali, agad siyang naglabas ng maliit na bote. Ang boteng ito ay naglalaman ng pinakamabisa niyang Recovery Pill, ito lang ang makagagamot ngayon kay Sepiro na nasa bingit na ng kamatayan.

Pinakain na si Sepiro ng maraming Recovery Pill pero dahil sa pagkain niya ng mapanganib na Forbidden Pill, walang talab ang mga ito.

Agad niya itong isinubo kay Sepiro na unti-unti nang nawawalan ng malay. Nang maisubo niya ito kay Sepiro, tumingin siya kay Ashe at Karen.

"Alam kong wala ako sa lugar pero.. pwede bang may magpaliwanag sa akin sa nangyayari?" tanong ni Finn Doria sa dalawa sa pag-asang may sasagot sa kanyang tanong. Gaya ng kanyang inaasahan, walang sumagot sa kanya. Nakatuon si Karen sa pakikipag-usap kay Sepiro upang hindi ito makatulog habang si Ashe naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang maiiyak na.

"Finn.. salamat," bumaling si Ashe kay Sepiro at nagpasalamat kay Finn Doria. Ikinuyom niya ang kanyang kamao at tumingin muli sa himpapawid kung saan naroroon ang kanyang ina, "Finn... maaari mo ba akong tulungan sa pagkakataong? Pwede bang pahintuin mo ang gulong ito, a..ayokong mawasak ang angkan ko.."

Gusto niyang pahintuin ang kaguluhan, gusto ni Ashe na pigilan sina Kiden, Vella at Noah na ipagpatuloy ang paglalaban. Gayunpaman, napakahina pa rin ng dalaga. Isa lang siyang 6th Level Profound Rank at kahit anong gawin niya, hindi niya kayang lapitan ang presensya ng mga Sky Rank. Isa pa, wala siyang kakayahan na lumipad at pigilan sila. Ang magagawa niya na lang ay manood at umiyak sa isang tabi habang ang malalapit na tao sa kanyang buhay ay nag-aaway-away.

Nang makita ni Finn Doria na bumuhos ang luha ni Ashe, nagkaroon ng kirot sa kanyang dibdib. Hindi niya gustong makita si Ashe sa ganitong sitwasyon, mahirap para sa kanya na makita itong nasasaktan. Pero, wala siyang magagawa.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now