Chapter IX

11.5K 830 110
                                    

Chapter IX: Doubt

Pagkatapos umalis ni Finn Doria sa Adventurers Guild, agad na ipinatawag ni Tandang Shue si Manager Rome upang agad na makausap.

"Vice Guild Master." Bahagyang yuko ni Manager Rome sa direksyon ni Tandang Shue.

Nakatayo lang siya sa tabihan nito at hindi siya nangangahas na umupo sa harap at direktang harapin ang isa sa kanilang pinuno. Wala siya sa katayuan upang kausapin ito gaya ng ginawang pakikipag-usap ni Finn Doria. Isa lang siyang tagapamahala ng maliit na sangay ng Adventurers Guild sa Aurora Town at ang kaniyang posisyon sa kabuuan ng Adventurers Guild ay hinding-hindi maipapantay sa kagaya ni Tandang Shue.

Ipinaliwanag ng matanda kung ano ang serbisyong kinakailangan ni Finn Doria at nang marinig ito ni Manager Rome, bahagya siyang nagulat dahil sa kamangha-manghang bagay na kailangan ng binata.

Sixth Grade Magic Crystal!

Para sa kaniya na isang Profound Rank, ang pagkakaroon ng Sixth Grade Magic Crystal ay napakaimposibleng bagay. Ang uri ng Magic Crystal na 'yon ay makukuha lamang sa oras na mamatay ang isang Sixth Grade Magical Beast at syempre, tanging Sky Rank lang ang may kakayahan na pumatay ng Sixth Grade Magical Beast.

Kahit na nagtataka, mas pinili pa rin ni Manager Rome na manahimik at sundin na lang ang utos ni Tandang Shue. Wala siya sa posisyon upang magtanong at wala rin namang kaugnayan sa kaniya ang bagay na gusto ni Finn Doria.

Aalis na sana si Manager Rome sa silid ngunit napahinto siya ng muli siyang tawagin ni Tandang Shue.

"Isa pa pala... Ipaalam mo rin sa ibang tagapamahala ng Adventurers Guild sa Sacred Dragon Kingdom na huwag na huwag nilang kakalabanin si Finn Doria at ang angkan niya. Ito ay utos ko at ayoko nang makaririnig ng kahit anong pagtutol mula sa utos kong ito." Mariing sabi ni Tandang Shue.

Tumango-tango naman si Manager Rome bilang pagsang-ayon. Pagkatapos makumpirma na wala ng sasabihin pa si Tandang Shue, agad niyang nilisan ang silid at sinimulan na ang trabahong ibinigay sa kaniya ng kanilang Pinuno.

Nang makaalis na si Manager Rome, napabuntong hininga na lang si Tandang Shue at napatingin sa bintana ng silid.

"Masyado kong minaliit ang sumusuporta sa'yo Finn Doria. Haha. Talaga ngang napakalawak ng mundo..."

--

Nakabalik na si Finn Doria sa Azure Wood Family mula sa Adventurers Guild sa Aurora Town.

Sariwa pa rin sa kaniyang utak ang imahe ng ekspresyon ni Tandang Shue matapos niyang ibayad ang isang Low-tier Epic Armament na Concealing Item. Dahil sa sobrang halaga ng kayamanang iyon para kay Tandang Shue at sa Adventurers Guild, hindi niya 'yon matanggihan. Tinanggap niya ang Concealing Item na bayad ni Finn Doria ng walang pag-aalinlangan.

Sa totoo nga niyan, tinanong pa ni Tandang Shue kung handa si Finn Doria na magbenta sa kanilang Adventurers Guild ng Concealing Item. Pero syempre, tinanggihan ni Finn Doria ang ideya ng pagbebenta ng kaniyang kayamanan. Para sa binata, sapat na ang magpakita ng isang pambihirang kayamanan upang bantaan ang mga nakaambang panganib. Kung magpapakita pa siya ng napakaraming kayamanan, mayroong posibilidad na maging dahilan pa ito ng napakalaking delubyo.

Bago lisanin ni Finn Doria ang Adventurers Guild, hindi niya inaasahang hahandugan siya ni Tandang Shue ng tatlong Sixth Grade Magic Crystal. Gusto niya sanang tanggihan ang regalong ito pero dahil sa mapilit si Tandang Shue, wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang Sixth Grade Magic Crystal na talaga namang kailangang-kailangan niya.

Habang naglalakad-lakad, napansin ni Finn Doria na papalapit ang kaniyang ama na si Creed sa kaniyang direksyon. Huminto ang binata at nakangiting hinintay ang kaniyang ama na lumapit sa kaniya.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now