Chapter XI

10.4K 774 41
                                    

Chapter XI: Show Off

Dahil nakapagpalitan na nang pagbati ang dalawang matalik na magkaibigan, agad na ibinaling ni Finn Doria ang kaniyang atensyon kay Sect Master Noah at Elder Marcus. Binigyan niya ang dalawa ng ngiting humihingi nang pasensya.

"Sect Master Noah, Elder Marcus. Humihingi ako nang pasensya sa matagal niyong paghihintay. Masyado lang akong naging masaya sa muli naming pagkikita ni Isake kaya hindi ko kayo agad naasikaso." Nakangiting hayag ni Finn Doria.

Umiling naman si Sect Master Noah, "Maliit na bagay lamang iyon, Finn Doria. Mga Adventurers tayo at minsan lang natin makita ang mga taong malalapit sa atin dahil sa ating propesyon kaya naman nauunawaan kita."

Sandaling huminto si Sect Master Noah at tumingin kay Isake, "Narinig ko na pansamantalang namamalagi rito ang Golden Lion Family, bakit hindi ka muna manatili rito pansamantala, Isake? Hindi mo naman kailangang manatili sa Cloud Soaring Sect lalo na ngayon na wala namang importanteng kaganapan sa ating Faction. Hindi ba't tama ako, Elder Marcus?"

"Tama si Sect Master Noah. Maaari kang manatili rito pansamantala upang makasama ang iyong angkan at si Finn Doria. Alam namin na marami kayong pagkukwentuhan." Nakangiting tango ni Elder Marcus.

Natigilan at napatulala naman si Isake. Agad siyang yumuko sa direksyon ng dalawa at magalang n nagsalita, "Maraming-maraming salamat po, Elder Marcus, Sect Master Noah!"

Napangiti rin si Finn Doria habang pinagmamasdan ito.

"Sect Master Noah, Elder Marcus, hindi pa dumarating ang iba pang mga panauhin kaya mayroon pa kayong oras para maglibot sa aming teritoryo. Tamang-tama lang ang oras na ito dahil kasalukuyang nagaganap ang maliit na paligsahan sa aming angkan sa pamamahala ni Family Head Augustus." Nakangiting mungkahi ni Finn Doria.

Nagkatinginan naman sina Elder Marcus at Sect Master Noah. Nais din nilang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng Azure Wood Family kaya naman tumango sila bilang pagsang-ayon.

"Gustong-gusto ko ang panonood sa paligsahan ng mga kabataan kaya naman hindi namin tatanggihan ang iyong alok." tumatawang tugon ni Sect Master Noah.

Bawat Elder ng Azure Wood Family at Golden Lion Family ay tumawa rin nang marinig nila ang alok ni Finn Doria. Sa ngayon, ipinagmamalaki nila ang nakababatang henerasyon dahil ang kanilang antas ay hindi maikukumpara sa kahit anong pwersa sa Sacred Dragon Kingdom. Napakarami na nilang Profound Rank Adventurer at malalakas na Armaments.

"Finn, totoo bang si ama ay narito sa inyong angkan?" agad na tanong ni Isake.

Ngumiti naman si Finn Doria at tumango, "Mm. Isang alyansa na ang ating mga angkan kaya natural lang na narito ang iyong ama. Isa pa, ako ang nag-alok na manatili muna siya pansamantala rito kasama ang buong Golden Lion Family."

Nagulat si Isake nang marinig niya ito. Tumingin siya ng diretso kay Finn Doria at nang makita niya ang sinseridad sa mata nito, napangiti rin siya sa binata.

"Tama. Nakalimutan kong banggitin na isa ng ganap na 9th Level Profound Rank si Family Head Augustus." Biglang sambit ni Finn Doria habag hinihimas ang kaniyang baba.

Nagbago naman ang ekspresyon ng tatlo at sabay-sabay na nagulat, "Ano?!"

"Finn, sinasabi mo bang kasinglakas na ni ama si Elder Marcus?!" gulat na tanong ni Isake.

Umiling naman si Finn Doria at bahagyang tumawa, "Pareho ang antas nila ni Elder Marcus pero lamang sa kakahayan at karanasan si Elder Marcus sa usapin nang pakikipaglaban. Kulang pa sa karanasan at kasanayan ang iyong ama pero alam ko naman na hindi magtatagal, magkakaroon na rin siya ng karanasan."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now