Chapter L

10.7K 789 162
                                    

Chapter L: Showdown of Power

Sa likod ng makakapal na ulap, nakangisi ang isang binatang may katabing ataul habang pinagmamasdan ang pigura ni Finn Doria. Mayroong kakaibang aura ang nakapalibot sa kanyang katawan pero dalawa lang sa lugar na iyon ang nakakaramdam sa kanyang presensya.

Nakatitig siya kay Finn Doria na para bang nananabik siya noong maramdaman niya ang pagkakaroon ng kakaibang lakas nito.

"Hindi ko inaasahang isa ka rin pala sa kanila, Finn Doria.. hindi ko talaga inaasahan," nakangising sabi ng binata.

Aabante sana siya patungo sa kinaroroonan nina Finn Doria at Syr pero agad na may pigura ng dalaga ang humarang sa kanya harapan.

Ang dalagang ito ay nakasuot ng maputlang asul na bistida. Ang kanyang maputlang asul na buhok ay nadadala ng malakas na ihip ng hangin habang ang pares ng kanyang walang buhay na itim na mga mata ay nakatitig din sa mga mata ng binata.

Mas lalong lumapad ang ngisi ng binata nang makita niya ang pigura ng dalaga. Halatang inaasahan niya na ang paglitaw nito sa kanyang harapan.

"Ipinakita mo na rin ang iyong sarili, Tiffanya Frois o kung sino ka man," marahang sabi ng binata. "Gusto ko sanang magkakilala pa tayong dalawa nang lubusan pero mayroon pa akong gustong turuan ng leksyon."

Hindi nagpatinag si Tiffanya. Malamig ang kanyang ekspresyon habang ang kanyang pares ng walang buhay na mga mata ay nakatitig sa mga mata ng binata.

"Ano at sino ka?" malamig na tanong ni Tiffanya sa binata. "Nakita kita sa Seven Great Faction Games pero... hindi na ikaw ang dating Brien Latter. Sino ka? Magpakilala ka ngayon din."

Tama. Ang binata't dalaga ay walang iba kundi sina Brien Latter at Tiffanya Frois. Gayunpaman, mayroon nang malaking pagbabago sa kanilang antas ng lakas at aura. Hindi na sila gaya ng dati na mahina, hindi rin maramdaman ng ibang nagtatago pa ang kanilang presensya. Para bang nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa kanilang aura at presensya.

Ipinatong ni Brien Latter ang kanyang palad sa kaliwa niyang dibdib at nagpakilala, "Ako pa rin ito, ang nag-iisang si Brien Latter. Bumalik na sa akin ang aking alaala noong ako ay nabubuhay pa... pero ikaw..."

"Hindi ka isang nilalang na nabuhay muli... nararamdaman kong mayroong dalawang nilalang na nabubuhay sa iyong katawan, Tiffanya Frois," marahang hayag ni Brien. "Wala akong panahon ngayon para alamin ang iyong katauhan kaya naman maaari mo ba akong paraanin? Kailangan ko pang bawian si Finn Doria sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin ng dalawang beses."

"Ang lahat nang nagpapahiya sa akin ay hindi na dapat nabubuhay pa, kahit pa wala pa sa akin ang alaala ko noong mga panahong iyon," malamig na sabi ni Brien.

"Umalis ka na. Hindi kita hahayaan na makialam sa digmaang ito," malamig na tugon naman ni Tiffanya.

Umarko ang kilay ni Brien at ngumisi, "Pipigilan mo ako? Kaya mo ba?"

"Isa ka lang Heavenly Lord Rank. Mayroon akong isandaang paraan para patayin at pigilan ka sa iyong binabalak."

Humalakhak si Brien sa kanyang narinig. Bumukas ang ataul sa kanyang tabihan at mapapansing mayroong isang sugatang lalaki ang nasa loob nito at walang malay.

Sinulyapan lamang iyon ni Tiffanya at hindi na binigyang pansin pa. Ang lalaking iyon ay si Morgan na kaninang inatake ni Kage. Buhay pa ito at humihinga. Hindi alam ng dalaga kung ano ang balak ni Brien kay Morgan, gayunpaman, wala siyang pakialam sa pinaplano nito tungkol kay Morgan.

"Maaaring isa lang akong mahinang Heavenly Lord Rank sa ngayon pero sapat na iyon para takasan ang isang Heavenly King Rank na gaya mo," makahulugang sabi ni Brien. "Katulad mo, mayroon din akong isandaang paraan para mapatay si Finn Doria kahit nandyan ka pa."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon