Chapter XXIII

10.4K 777 68
                                    

Chapter XXIII: Mysterious Adventurer

Noong araw ring 'yon, sa bayan ng Aurora. Lahat ay nagtataka at naguguluhan sa paglitaw ng isang kakaibang liwanag sa loob ng Azure Wood Family. Masyadong mahiwaga ang liwanag na 'yon, at kahit sila, na medyo malayo sa teritoryo ng Azure Wood Family ay nakaramdam ng kakaibang kapangyarihan na nagmumula sa lumitaw na liwanag.

Sa loob ng isang maliit na kainan, ang mga parokyano ay mapapansing abala sa pag-uusap at pagkukwentuhan. At syempre, ang paglitaw ng mahiwagang liwanag ang laman ng kanilang kwentuhan. Karamihan sa kanila ay ordinaryong adventurer lamang, at sa tingin ng mga ordinaryong adventurer na 'to, isang malaking kababalaghan ang nangyayari sa teritoryo ng Azure Wood Family.

Gayunpaman, mayroon ding mga Adventurer na kilala at tanyag sa buong bayan ng Aurora. Nasa kainan din sila upang makipagkwentuhan pero dahil sa may mas alam sila, iba ang paksa ng kanilang pag-uusap.

"Ano na naman kayang pinaplano ng Azure Wood Family? Masyado ng maraming himala ang nangyayari sa loob ng kanilang teritoryo..." pabulong na sambit ng isang kalbong lalaki.

"Sinong nakakaalam?" tugon naman ng isang lalaking balbas sarado. "Ang alam ko lang, masyado nang malaki ang ipinagbago ng dating ordinaryong angkan. Mayroon na silang miyembro na nasa Sky Rank at ang kanilang kabuuang lakas noong bumisita tayo sa kanilang angkan ay hindi na maikukumpara sa mga angkan na nasa bayang ito. Ang kanilang pag-angat ay hindi mapapantayan ng kahit na anong ordinaryong angkan at Aristocrat Clan. Masyado silang malakas!"

Naroroon silang dalawa nang magbalik si Finn Doria kasama ang isang higanteng pulang tigre. Naranasan nila ang kabaitan ni Finn Doria at ang pakikipag kapwa ng Azure Wood Family. Kahit na hindi sila miyembro ng nasabing angkan, nagbenepisyo rin sila sa kasiyahang naganap noon sa teritoryo ng Azure Wood Family, at ang kanilang antas ng lakas ay umangat ng sobra.

Dahil dito, labis ang kanilang respeto at takot sa Azure Wood Family. Kahit na hindi intensyon ng Azure Wood Family na tulungan silang makatapak sa susunod na ranggo, malaki pa rin ang kanilang pasasalamat sa angkan na nagpakain sa kanila ng mga kayamanan.

"Tama. Napansin mo ba na nitong nakaraang buwan ay sunod-sunod ang pagdating ng mga misteryosong Adventurer sa Aurora Town? Lahat sila ay nagtungo sa Azure Wood Family." Muling sambit ng kalbo. "Nakita ko rin na pamilyar ang ilan sa mga kasuotan ng mga bisita ng Azure Wood Family. Ang iba sa kanila ay nagmula sa Noble Clan!"

"Oo napansin ko rin 'yon!" agad namang sagot ng kalbo. "Gayunpaman, hindi lang miyembro Noble Clan ang nagtungo sa Azure Wood Family. Naroroon din ang ilang miyembro ng anim sa pitong Seven Great Faction! Maging ang Royal Clan ay napansin ko na nagtungo sa Azure Wood Family!" dugtong naman ng balbas saradong lalaki.

Ordinaryong Adventurer lamang sila, hindi nila kilala ang bawat pinuno ng Noble Clan at Faction kaya naman inaakala nilang mga miyembro lamang mga ito ng nasabing mga pangkat. Alam nila ang disenyo ng bawat kasuotan ng mga faction at Noble Clan, pero, hindi nila masabi kung mataas o mababa ang posisyon nito sa kani-kanilang pangkat. Pinangaralan sila noon pa man ng pangunahing kaalaman tungkol sa Sacred Dragon Kingdom kaya natural lang naman na ngayong matanda na sila, alam na nila ang simpleng disenyo ng uniporme ng mga malalakas na pwersa sa kahariang kanilang kinabibilangan.

"Hindi na talaga ordinaryo ang Azure Wood Family! Mahigit isang taon pa lang ang nakalilipas pero nahigitan na nila ng sobra ang mga angkan sa bayang ito... nasisiguro ko na konektado ang lahat ng ito sa binatang 'yon, sa binatang si Finn Doria!" Muling sabi ng balbas-saradong lakaki.

"Ngayon, magkaiba na ang mundo natin at mundo ng mga miyembro ng Azure Wood Family. Kahit ang pinakabata nilang Adventurer ay nasa Silver at Gold Rank na... Mahigit limampung taong gulang na ako pero narito pa rin ako sa Scarlet Gold Rank, hindi ko pa ito maabot agad kung hindi dahil sa tulong ng Azure Wood Family!" buntong hiningang dugtong naman ng kalbo.

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now