Chapter XL

10.1K 705 127
                                    

Chapter XL: Beyond Saving

Hindi na nagtagal pa si Finn Doria sa teritoryo ng Vermillion Bird Family. Agad rin siyang umalis pagkatapos makapagpaalam ng maayos kina Noah, Vella at Ashe. Marami pa siyang kailangang asikasuhin at ngayong nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ng dalawang magkaratig bansa, hindi niya pa rin masisigurado kung ligtas ang kanyang angkan sa gitna ng labanan kahit na mayroon pa itong proteksyon ng isang formation.

Sa kanyang paglalakbay patungo sa palasyo, nadaanan ni Finn Doria ang ilang bayan at lungsod. Payapa at karaniwang araw lang ang mayroon sa mga lugar na ito at halata namang wala pa silang ideya sa masamang nangyayari.

Napailing na lang ang binata habang sinusulyapan ang mga abala at nagkakatuwaang tao sa baba. Dahil mamamayan sila ng Sacred Dragon Kingdom, hindi sila makakaiwas sa digmaan. Siguradong dadanak ang dugo kung talagang matutuloy ang pananakop.

"Sana lang ay may solusyon ang Royal Clan sa problemang ito... kung wala, siguradong mapapahamak ang aking pamilya," naibulong na lang ni Finn Doria habang lumilipad sa himpapawid. Nagmadali siya at mas binilisan pa ng binata ang kanyang paglipad.

Mahalaga ang bawat sandali sa pagkakataong ito. Kailangan niyang marating ang palasyo upang mapagplanuhan na ang paglaban sa karatig na kaharian. Walang karanasan si Finn Doria sa ganito kalawak na digmaan kaya naman kakailanganin niya ang tulong ni Helbram.

Habang lumilipad, bigla na lamang may sumabay sa kanyang matandang lalaki. Nakasakay ito sa isang malapad na pilak na espada at ang bilis nito ay hindi hamak na mas mabilis kaysa sa paglipad ng binata. Ang matanda ay mayroong kulay pilak na buhok, kulay pilak na roba at mayroon itong simbolo ng Adventurers Guild.

Nagulat si Finn Doria nang makita niya ang matanda.

"Vice Guild Master Shue?" bulalas ni Finn Doria.

"Finn Doria, gusto ko sanang makipag kamustahan sa'yo pero hindi ito ang tamang oras. Sumakay ka sa aking espada, ihahatid na kita sa Royal Clan. At habang nasa daan tayo, mayroon akong kailangang ipaalam sa'yo," seryosong sambit ni Tandang Shue.

Tama ang matandang lalaking ito ay walang iba kundi si Tandang Shue, ang pangalawang pinuno ng Adventurers Guild na nakausap noon ni Finn Doria.

Nasurpresa ang binata ngunit hindi na siya nagtanong pa. Agad siyang sumakay sa bakanteng espasyo ng malapad na espada at nang makasakay siya, bumilis ang lipad ng espada. Nagkaroon ng pabilog na barrier sa palibot nilang dalawa. Sa tulong ng barrier na ito, hindi naapektuhan ng malakas na pwersa ng hangin ang dalawa.

Nakatuon pa rin si Tandang Shue sa unahan nang bigla siyang magsalita, "Finn Doria. Nagsimula nang umatake ang Crimson Blood Kingdom sa inyong kaharian."

"Alam ko," taimtim na tugon ni Finn Doria. Alam niya na ang nangyayari, at naranasan niya ito.

Tumango naman si Tandang Shue, "Ang mga sundalo ng inyong kaharian ay nagapi na at ang inyong himpilan ay ginawa ng teritoryo ng Crimson Blood Kingdom. Alam ko na ang nangyaring labanan sa teritoryo ng Vermillion Bird Family, at sinasabi ko sa'yo, Finn Doria. Ang lahat ng ito ay hindi lang basta-basta."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Hindi lang ang Crimson Blood Kingdom ang nasa likod nito," agad na tugon ni Tandang Shue. "Ang kanilang mahigpit na kaaway, ang Heavenly Spear Kingdom at Eternal Sky Kingdom ay bigla na lamang nanahimik. Dahil sa pananahimik ng dalawang kaharian, malaya na ngayon ang Crimson Blood Kingdom na atakihin kayo ng buong pwersa. Hindi na nila kailangang mangamba sa dalawang kaharian dahil hindi na kikilos ang dalawang ito para labanan ang Crimson Blood Kingdom. At ayon sa nakalap kong balita, ito ay dahil sa Ancestral Family."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now