Chapter LIV

11.5K 862 239
                                    

Chapter LIV: Emergence

Hindi mapigilan ni Eliseo na maging taimtim ang kanyang ekspresyon habang nararamdaman niya ang kakila-kilabot na aurang inilalabas ng katawan ni Cristobal. Isa itong kompletong kadiliman na para bang sumasakop sa kaliwanagan ng paligid.

Kahit nakararamdam si Eliseo ng panganib, pinilit niyang maging kalmado sa harap ni Cristobal. Wala niyang takot na hinarap ito pero mapapansin pa rin sa kanyang mukha ang taimtim na ekspresyon.

"Natatakot ka na ba, Eliseo? HAHAHA," humalakhak si Cirstobal habang ibinubukas sara ang kanyang palad. Ngumisi siya kay Eliseo at nagpatuloy, "Binigyan kita nang pagkakataon kanina na umatras at hindi mo tinanggap ang pagkakataong iyon. At ngayon.."

Itinago ni Cristobal ang kanyang palakol at muling nagpatuloy, "Kahit pa magmakaawa ka sa akin, hindi makakaalis ng buhay ang sino man sa mga miyembro ng iyong Adventurers Guild. Paglalaruan at pahihirapan ko kayo gamit ang aking mga kamay."

Nagdilim ang ekspresyon ni Eliseo. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kanyang sibat. Matalim siyang tumingin sa pares ng pulang mga mata ni Cristobal at sinabing, "Hindi ako naniniwalang magtatagal ka sa kasalukuyan mong lakas. "

Humalakhak naman si Cristobal. Nangungutya siyang tumingin kay Eliseo at nakangising tumugon, "Hindi katulad ng pipitsuging technique ng Crimson Blood Family ang aking ininom na pulang likido. Isa iyong mahiwagang likido na permanente ang epekto. Noong oras na ininom ko ang likidong iyon, agad itong sumanib sa aking dugo. Binigyan nito ako ng pambihirang lakas at kapangyarihan, at ganitong anyo."

"Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko itong gamitin ng ganun-ganun na lamang. Hindi ko gusto ang anyong ito. Pero dahil sa katigasan ng iyong ulo at patuloy na pakikialam sa aking mga plano, wala akong pagpipilian kundi gamitin ang baraha kong ito," dagdag pa ni Cristobal.

Sandaling napaisip si Eliseo. Hindi niya pa rin maintindihan kung paano nagkaroon ng ganitong bagay si Cristobal. Hindi niya maisip kung ano talaga ito at kung bakit ganito na lang ang itinaas ng lakas at antas ni Cristobal.

Tama. Lumakas ng sobra si Cristobal at kung hindi siya nagkakamali, ang kasalukuyang antas na ng lakas ni Cristobal ay umaabot na sa 3rd Level Heaven Rank. Mas mataas ng dalawang antas kaysa sa kanya.

Dahil dito, hindi napigilan ni Eliseo ang mangamba. Saan nga ba talaga nagmula ang pulang likido na 'yon? At anong klaseng mahiwagang likido yun?

Bumalik si Eliseo sa realidad at nakasimangot na tinanong si Cristobal, "Sabihin mo ang totoo, Cristobal. Saan mo nakuha ang bagay na 'yan? Hindi ako maniniwalang pagmamay-ari 'yan ng Ancestral Family at hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa'yo kung bakit."

"Siyempre hindi mo na kailangang ipaliwanag kung bakit. Bahagi kayo ng Ancestral Family, kayo ang mga supling ng pangkat na nagtraydor at nagnakaw sa maraming kayamanan ng Ancestral Family," hambog na giit ni Cristobal.

"Huwag mong matawag-tawag na traydor at magnanakaw ang aming mga ninuno. Ginawa lang nila kung ano ang tama noong mga panahong iyon. Ang iyong mga ninuno ay masyadong diktador at malupit. Itinuturing nilang wala lang ang mga buhay ng mga taong naglilingkod sa kanila!" galit na pakikipagtalo ni Eliseo. "Ngayon, h'wag mong ibahin ang usapan. Sabihin mo kung saan nagmula ang masamang likido na 'yon! Nagmula ba yun sa mga banyaga?"

Mas lalong naging makahulugan ang ngiti ni Cristobal. Tumingin siya sa mata ni Eliseo at marahang nagsalita, "Tama ka. Nagmula ang likidong yun sa mamamayan ng kabilang kontinente. Ibinigay sa akin ng misteryosong matanda ang maliit na bote na naglalaman ng pulang likido bilang regalo. Sinabi niya lang sa akin na mapapalakas ako ng likidong iyon at sinabi niya rin ang iba pang epekto gaya ng permanenteng pagbabago ng aking anyo."

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]Where stories live. Discover now