Out of My League Pt. II

30.9K 248 67
                                    


〰️

SILLY
Out of My League Pt. II

UNANG ARAW ng pasukan pero imbes na maaga akong pumasok ay hindi ko iyon magawa-gawa kasi kanina pa tinotopak si Antonia at ayaw pang bumangon.

Sa huli ay isang oras na lang bago magsimula ang unang subject ko ay tsaka pa ako nakaalis ng bahay.

Hindi ko alam kung paano ako umabot ng Sia Monte pero nakarating ako sa gate ng isang minuto bago mag-alas otso. Tumakbo ako ng tumakbo, walang pakialam kung anong sasabihin ng mga tao o kung ano ang tingin ng mga naraanan ko. I went past buildings, and ran past room after room hanggang sa narating ko ang BD310.

Fortunately, wala pa ang instructor namin. The last thing I wanted is to be marked late sa unang araw pa lang ng pasukan.

I walked passed the students na napatingin sa akin. Hindi ako kabilang sa block nila, as I am two years older than them, pero naging kaklase ko na sila sa nagdaang mga semestre dahil irregular ako, kaya naman pamilyar silang lahat, lalo na iyong lalaking nakaupo sa bandang likuran at tahimik lang na nagbabasa ng pang-academic na libro. Iyong lalaking binigyan ko ng siopao na hindi ko alam kung kinain ba nya o itinapon lang, si Juan Uno Zamora de Tavera.

I can't help but stare, wondering what's inside that head of his. Sa sobrang busy marahil nito ay iyon lang ang panahon nito upang mag-aral. First day na first day nag-aaral na ito ng fluid mechanics.

Hindi ko alam kung saan nya nilalagay ang talino nya. Hindi man pang topnotcher ang katalinuhan ni Juan Uno pero bidang-bida parin ito parati kasi ang bilis ng pick-up nito at malalaki parati ang kuha sa mga quizzes at exams. Hindi din ito tulad ng iilan sa barkada nitong nagkokopyahan. He has his own world, at marunong syang sumagot na hindi kailangan ang gabay ng iba.

Minsan nga ay napapaisip nalang ako kung bakit may mga taong ganun? Gwapong-gwapo na nga, ang talino pa. Tapos si Juan Uno, he took a step higher kasi magaling pa sa sports at mayaman.

Sometimes I even forget that he's real, kasi how can somebody be that good at everything? But however vague it might be, Juan Uno Samonte de Tavera is real and I need to suck it up.

I sighed as I take my seat. Gosh, even his name sounded so unreal and dreamy.

Sa likuran nya ulit ako pumwesto. I already got over my past feelings for him. Past is past na nga, diba. But I can't get over my habit of sitting at the back just to watch him and his physique. Nakasanayan ko na talaga. Then his back looks so calming that whenever I was stressed or frustrated with my life, one look at him and I feel alright. Para akong tanga kasi iyon talaga ang nakakapagpakalma sa akin. And looking at him now, it calmed me. Kahit na muntik ko nang mabato ng baso si Antonia sa inis ko kanina.

Okay, maybe I am still crushing over him. Just a bit. A tiny little bit.

"Hi." Napalingon ako sa bumati. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na papaupo pa lang sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ko. He smiled warmly at me, and he looked refreshing and friendly with his megawatt smile.

"Hello," bati ko pabalik. Hindi sya pamilyar sa akin so I'm guessing he's someone new lalo na't halos kilala ko lahat ng tao sa department namin.

"Raja, by the way," he said. Inabot nya ang kamay nya. Nahiya akong iabot ang kamay ko kasi tingin ko pa lang mukhang walang kalyo iyong kamay nya habang sa akin, ang kapal-kapal. "Transferee."

Sa huli, nakipagkamay na rin ako. Kaso nga lang ay tama ang hinala kong wala nga syang kalyo. "Charmaine. Cha for short." Agad kong binawi ang kamay ko kasi nakakahiya talaga. "Hindi transferee."

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon